Hindi sapat ang bayanihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 319,758 total reads

Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.” 

Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating bansa ngayon dahil sa gulo sa Middle East, masasabi nating buháy ang diwa ng bayanihan. Hindi ito kayang agawin ng kahirapan. Hindi ito kayang patayin ng pagod. Lalong hindi ito mawawala sa gitna ng tumitinding pagsubok. 

Halos limang taon matapos unang umusbong ang mga community pantry bilang tugon sa hirap ng buhay na dala ng pandemya, nagbabalik ang mga ito sa gitna ng panibagong krisis dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Nakatuon ngayon ang mga ito sa pagtulong sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na halos wala nang maiuwing kita para sa kanilang pamilya dahil na rin sa malaking gastos sa pamamasada.

Dito sa Quezon City, muling binuhay ni Ana Patricia Non ang community pantry na naglalaman ng mga pagkaing katulad ng gulay, delata, at bigas. Nakapaskil sa community pantry ang paalalang, “laban ng drayber, laban ng komyuter.” Gaya noon, may hiling din sa mga tumatanggap ng tulong, “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha ayon sa pangangailangan.” 

Agad na dinagsa ng mga tsuper ang community pantry. Sa loob lamang ng dalawang oras sa unang araw nito, halos maubos ang laman ng pantry. Agad din namang dumagsa ang mga nagbigay ng donasyon, at unti-unting nagsulputan ang kaparehong inisyatibo sa iba’t ibang lugar.

Kahanga-hanga talaga ang mga nasa likod ng community pantry. Ipinakikita nila ang likas na kabutihan at bayanihan ng mga Pilipino sa oras ng pangangailangan. Higit pa sa mga materyal na ambag, kahanga-hanga na ang mga ordinaryong Pilipino—ang pinakaapektado at pinakanahihirapan—ang silang kusang kumikilos at buong-pusong tumutulong sa kanilang kapwa.

Pero hindi ito dahilan para hindi na natin hanapan ng solusyon ang gobyerno. Tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang sapat na suportang natatanggap ng mga pinakaapektado ng krisis. Sa ngayon, nakadidismayang mabagal at kulang ang tugon ng gobyerno. Panandalian ang mga solusyong iniaalok nito gaya ng ayudang ilang araw lang ang itatagal. Kung ang karaniwang mamamayan ay kayang kumilos sa gitna ng kakulangan, lalong higit na inaasahan ang mas maagap at sapat na tugon mula sa mga nangangasiwa ng pera ng bayan.

Dalawang beses nang umusbong ang community pantry bilang tugon sa dalawang magkaibang krisis, at sa parehong pagkakataon, mas nakikita natin ang kakulangan ng sapat at agarang aksyon mula sa gobyerno. 

Ang community pantry, kung gayon, ay hindi na lamang simpleng pagtulong, kundi panawagan sa pamahalaan na dapat pa nitong higitan at pagbutihin ang ginagawa nito para sa mga mamamayan tuwing may krisis. Bagamat magandang nagkukusa ang mga taong magtulungan, dapat mahiya ang pamahalaan dahil sinasalamin ng mga community pantry ang kakulangan ng tulong mula sa mga dapat magsulong ng kapakanan ng mga mamamayan. Dagdag pa rito, ang suportang hinihingi ng mga apektado ng krisis—gaya ng mga tsuper—ay hindi pabor, kundi karapatang dapat maibigay. 

Binibigyang-diin sa Fratelli Tutti na ang pagkalinga sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan, ay naisasabuhay sa paglilingkod. Ang malasakit na ipinakikita ng mamamayan sa pamamagitan ng community pantry ay patunay na kayang maisakatuparan ang paglilingkod na ito, pero sana’y maisabuhay din ito sa mas malawak na antas, lalo na ng mga nasa kapangyarihan.

Mga Kapanalig, ang muling pagbabalik ng community pantry ay parehong paalala at pag-asa–paalala na may mga puwang na dapat punan, at pag-asa na hindi kailanman mauubos ang malasakit ng Pilipino. Nawa’y magsilbi itong mitsa upang manawagan tayo ng mas makatarungan, maagap, at makataong pamamahala. Ang tunay na bayanihan ay hindi lamang nasusukat sa pagtutulungan ng mga mamamayan, kundi sa isang lipunang walang pinababayaan.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,020 total reads

 227,020 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,751 total reads

 258,751 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,575 total reads

 360,575 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,138 total reads

 401,138 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,560 total reads

 412,560 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 227,021 total reads

 227,021 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,752 total reads

 258,752 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,576 total reads

 360,576 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,139 total reads

 401,139 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top