Maging matapang sa pagpapahayag ng mabuting balita, paanyaya ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,818 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng katotohanan at pananampalataya kasabay ng patuloy na pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, sa gitna ng paglaganap ng maling impormasyon sa lipunan.

Sa kanyang pagninilay sa Regina Coeli sa St. Peter’s Square sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na nalilihis ang katotohanan dahil sa mga kasinungalingan at iba pang uri ng manipulasyon ng impormasyon.

“This contrast invites us to reflect on the value of Christian witness and the integrity of human communication. Often, the proclamation of truth is obscured by what we today call “fake news” — lies, insinuations, and unfounded accusations,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng santo papa na tulad ng nangyari sa muling pagkabuhay ni Hesus, may dalawang magkaibang salaysay na maaaring piliin ng tao, ang katotohanang nagbibigay-buhay, at ang kasinungalingang nagdudulot ng kamatayan.

Kaugnay nito, hinikayat ng punong pastol ang mga mananampalataya na maging matapang sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Hamon ng Santo Papa sa mananampalataya na huwag matakot na ipahayag ang mabuting balita bilang paanyaya na isabuhay at ipalaganap ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV na sa pamamagitan ni Hesus ang kawalan ng pag-asa dulot ng kamatayan ay tuluyang napawi at ang Pasko ng Pagkabuhay ay nagdudulot ng panibagong pag-asa para sa sangkatauhan.

Inalala rin ni Pope Leo ang mga taong patuloy na nagdurusa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga biktima ng digmaan, mga inuusig dahil sa pananampalataya, at mga batang napagkakaitan ng edukasyon.

“Dear friends, how important it is that this Gospel reach, above all, those oppressed by the evil that corrupts history and confuses consciences! I think of people afflicted by war, of Christians persecuted for their faith, of children deprived of an education. To proclaim the Paschal mystery of Christ in both word and deed means to give a new voice to hope — a hope otherwise stifled by the hands of the violent. Wherever it is proclaimed, the Good News sheds light upon every shadow, in every age,” ani santo papa.

Giit ng pastol na ang pagpapahayag ng misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay ay nagbibigay ng bagong tinig sa pag-asa—lalo na sa gitna ng karahasan at kaguluhan.

Apela ni Pope Leo XIV sa lahat ng mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kapayapaan sa buong mundo, kasabay ng pagdiriwang ng Easter Octave.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,082 total reads

 12,082 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,410 total reads

 14,410 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,835 total reads

 31,835 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 81,685 total reads

 81,685 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 175,910 total reads

 175,910 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 236,399 total reads

 236,399 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 250,306 total reads

 250,306 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 328,779 total reads

 328,779 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,836 total reads

 31,836 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top