Sa gitna ng krisis sa langis, Obispo nanawagan ng pagkakaisa at reporma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,629 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa at reporma ang Obispo ng Diyosesis ng Gumaca sa gitna ng krisis sa langis at transportasyon dulot ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa pamamagitan ng isang liham pastoral, binigyang-diin ni Gumaca Bishop Euginius Cañete na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng matinding hirap sa mga drayber, komyuter, at manggagawa.

Ayon sa Obispo, hindi lamang ito krisis sa enerhiya kundi krisis sa karapatang makapagtrabaho at makapamuhay nang may dignidad.

“Hindi lamang ito krisis ng langis, kundi krisis ng pagbiyahe upang maghanapbuhay. Ang transportasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ito ang daan upang makapagtrabaho, makapag-aral, makapagpagamot, at makapiling ang pamilya. Kapag pumalpak ang sistema ng transportasyon, ang mahihirap ang unang naiiwan.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cañete.

Hinimok din ni Bishop Cañete ang pamahalaan na magpatupad ng makatarungang reporma sa transportasyon at ekonomiya na tunay na maglilingkod sa mamamayan.

Nanawagan din ang Obispo ng sama-samang pagkilos mula sa pagtutulungan sa komunidad, pagtitipid sa konsumo ng langis, hanggang sa pananalangin at bolunterismo sa komunidad.

“Buong lakas nating ipinahahayag ang panawagan para sa tunay at sistemikong reporma sa transportasyon. Kailangan nating magtatag ng sistemang naglilingkod sa nakararami, kumikilala sa karapatan ng mga drayber, komyuter, at manggagawa, at nakaugat sa kabutihang panlahat.” Dagdag pa ni Bishop Cañete.

Sa kabila ng krisis, pinaalalahanan din ni Bishop Cañete ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa, sapagkat ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paanyaya sa pagbabagong-buhay ng lipunan tungo sa katarungan at pagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,309 total reads

 232,309 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,040 total reads

 264,040 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,864 total reads

 365,864 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,427 total reads

 406,427 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,508 total reads

 417,508 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top