Pagiging Minor Basilica ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo, isang misyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kaakibat ng pagkilala sa Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo bilang isang Minor Basilica ang mas malaking pananagutan ng simbahan na maging tahanan ng pananampalataya, pagkakaisa at paglilingkod lalo na para sa mahihirap at mga naisasantabi sa lipunan.

Ito ang bahagi ng homiliya ng kardinal sa ginanap na maringal na deklarasyon ng Minor Basilica sa Tondo kung saan binigyang-diin na ang pagkakaloob ng naturang titulo ay hindi simpleng karangalan kundi isang misyong dapat tupdin ng sambayanan ng Diyos.

“Such a designation bestowed on us today invites the local Christian community of Tondo not to privilege but to responsibility, to become more fully a center of vibrant worship, sound teaching, and active charity,” ayon kay Cardinal Advincula.

Iginiit din ng kardinal ang kahalagahan ng pagiging isang “synodal Church” o Simbahang sama-samang naglalakbay, nakikinig at nagkakaisa sa ilalim ng paggabay ng Espiritu Santo.

“Authority in the Church is always at the service of communion. It is not domination, but a relationship. It is not distance, but closeness,” ani Cardinal Advincula.

Sinabi pa ng arsobispo na ang simbahan ay dapat maging bukas para sa lahat, lalo na sa mga dukha at mga nakalilimutan ng lipunan.

Aniya, nawa’y patuloy na maging tahanan ng mga nalalayo sa pananampalataya ang bagong talagang basilica. “The Basilica, therefore, is not a closed sanctuary, but an open home where all people, especially the poor, the forgotten, and the abandoned, can find belonging… Let it summon God’s children of every age to come home to their church,
especially those who have been estranged or lost,” dagdag pa ng kardinal.

Samantala, binigyang-diin naman ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mahalagang ugnayang espiritwal na nabuo sa pagitan ng Santo Niño de Tondo at ng Vatican sa pagiging Minor Basilica nito.

“Today, a very important spiritual link has been established between your parish, this minor basilica, and the Holy See,”
ayon kay Archbishop Brown. Ipinaliwanag din ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang kahulugan ng “Sub Umbra Petri” o “sa ilalim ng anino ni Pedro” na sumisimbolo sa pagiging malapit ng basilica sa Santo Papa.

“To be sub umbra Petri, to be under the umbrella, the shadow of Peter, means to be so close to the Holy Father, to receive his protection, and indeed to receive his healing and his strength,” dagdag ng nuncio.

Dagdag pa nito, ang pagiging Minor Basilica ng Santo Niño de Tondo ay tanda ng mas malalim na pakikiisa ng sambayanan sa kahalili ni San Pedro at sa pandaigdigang Simbahan.

Hinimok din ni Archbishop Brown ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin si Pope Leo XIV at ang Simbahan sa buong mundo.

Noong Nobyembre 2025, isinapubliko ng Tondo Church ang pahintulot ng Vatican sa kahilingang maging minor basilica. Naitatag ang dambana noong 1572 na naging tahanan ng Santo Niño de Tondo, ang ikalawa sa pinakamatandang imahe ng batang Hesus sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 20,736 total views

 20,736 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 105,495 total views

 105,495 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 123,395 total views

 123,395 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 169,184 total views

 169,184 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 154,626 total views

 154,626 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top