Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kudeta sa liderato ng Senado, kinundena ng CMSP-JPICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,666 total views

Nagpahayag ng matinding pagkabahala at moral na pagkondena ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) kasama ang mga mission partners ang naganap na pagpapalit ng liderato sa Senado.

Itinuturing ng CMSP-JPICC ang kudeta sa Senado ay isang paraan na layong pigilan ang pananagutan ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment process.

Sa inilabas na pahayag ng CMSP–JPICC noong Mayo 11, 2026 iginiit ng grupo na ang impeachment ay isang mahalagang mekanismong itinakda ng Konstitusyon upang mapanatili ang katotohanan, pananagutan, at tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

“We, the Conference of Major Superiors in the Philippines through its Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC), together with our Mission Partners, express our deep concern and moral indignation over the recent actions and maneuverings in the Senate that appear designed not to uphold truth and justice, but to protect political interests and shield Vice President Sara Duterte from constitutional accountability through impeachment.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Ayon sa grupo, nakababahala ang lumalawak na kultura ng ‘impunity’ kung saan pinoprotektahan ng kapangyarihan ang kapangyarihan habang higit na inuuna ang katapatan sa personalidad o mga politiko kaysa sa katapatan sa Konstitusyon, taumbayan, at katotohanan.

“We are alarmed by the growing culture of impunity where power protects power, where loyalty to personalities prevails over fidelity to the Constitution, and where public servants appear more concerned with preserving political futures than defending the truth.” Ayon pa sa CMSP–JPICC.

Binigyang-diin din ng grupo na tungkulin ng Senado na paglingkuran ang sambayanang Pilipino lalo na ang mahihirap, mga nasa laylayan ng lipunan, at mga walang boses na patuloy na nawawalan ng tiwala sa mga institusyon dahil sa korapsyon at manipulasyon sa politika.

Nanawagan rin ang CMSP–JPICC sa mga senador na pairalin ang moral na katapangan, integridad, at pagiging malaya sa impluwensiyang pampulitika.

“The Senate must remember that its mandate is not to protect dynasties, ambitions, or vested interests. Its duty is to the Filipino people — especially the poor, the marginalized, and the voiceless whose trust in public institutions continues to be wounded by corruption, deception, and political maneuvering. It must go beyond partisan political interests and show to our people that accountability has meaning, and justice remains a value we all must uphold.” Dagdag pa pa sa CMSP–JPICC.

Hinimok din ng grupo ang mamamayan, mga komunidad at institusyon ng Simbahan, kabataan, at iba’t ibang sektor na manatiling mapagmatyag at aktibong makilahok sa pagtatanggol sa demokrasya at pananagutan sa pamamahala sa bansa.

Iginiit ng CMSP–JPICC na ang tunay na kapayapaan ay hindi maisusulong kung walang katotohanan at pananagutan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 65,211 total views

 65,211 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 86,276 total views

 86,276 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 109,298 total views

 109,298 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 147,054 total views

 147,054 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top