Pairalin ang katotohanan at pananagutan, apela ni Cardinal David sa kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,578 total reads

Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa mamamayan at mga lingkod-bayan na pairalin ang katotohanan, pananagutan, at paggalang sa mga demokratikong institusyon sa gitna ng umiinit na mga usaping pampulitika sa bansa.

Sa kanyang mensahe na may titulong “Truth, Institutions, and the Common Good,” sinabi ng Cardinal na ang mga demokratikong institusyon ay higit na nasusubok sa mga panahong puno ng tensyon at hidwaan sa politika.

Ayon kay Cardinal David, sawa na ang maraming Pilipino sa ingay, propaganda, at bangayang pampulitika kaya’t mas ninanais na ng taumbayan ang malinaw, makatotohanan, at mahinahong pagtalakay sa mga usaping panlipunan.

“The events of the past days remind us that democratic institutions are tested precisely in difficult and politically charged moments such as this. Many of our people are tired of noise, propaganda, and partisan shouting matches. What they long for is clarity. They want to hear facts discussed soberly, evidence weighed carefully, and public officials acting with integrity and maturity.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Cardinal ang kahalagahan ng paggalang sa mga umiiral na konstitusyonal na proseso ng bansa upang maisulong ang pananagutan at katotohanan sa pamamagitan ng makatarungan at legal na pamamaraan.

Paliwanag ni Cardinal David, ang mga institusyon ay umiiral sa mga sandaling tulad nito hindi upang magsulong ng pagkakawatak-watak, kundi upang tulungan ang bansa na makamit ang pananagutan, pagiging patas, at katotohanan sa pamamagitan ng mga legal na paraan sa halip na sa pamamagitan ng opinyon ng karamihan o mga drama sa politika.

“For this reason, I hope the constitutional processes now set in motion will be allowed to take their course responsibly and without unnecessary obstruction. Institutions exist precisely for moments like this—not to inflame division, but to help a nation seek accountability, fairness, and truth through lawful means rather than through mob opinion or political theater.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Dagdag pa ng Cardinal, mahalaga ring maging mapanuri ang mamamayan at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon at pagpapababa sa seryosong usapin sa mga slogan o personalidad lamang sa politika sapagkat ang mga usaping ito ay may direktang epekto sa antas at paraan ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa lipunan.

“This is also a time for citizens to be discerning. We should resist manipulation from every side, avoid amplifying unverified claims, and refuse to reduce complex issues into partisan slogans or personalities.” Ayon pa ni Cardinal David.

Pagbabahagi pa ng Cardinal, higit na tumitibay ang demokrasya ng bansa kapag maingat na hinahanap ang katotohanan, maayos na gumagana ang mga institusyon ng pamahalaan, at nananatiling mapagmatyag at responsable ang bawat mamamayan para sa kabutihang panlahat o common good.

“Our democracy becomes fragile when public trust erodes. But it becomes stronger whenever truth is pursued patiently, institutions function properly, and citizens remain morally grounded, vigilant, and engaged in the common good,” Mensahe pa ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 15,968 total reads

 15,968 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 53,045 total reads

 53,045 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 106,880 total reads

 106,880 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 169,791 total reads

 169,791 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 237,556 total reads

 237,556 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 1,234 total reads

 1,234 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top