Pairalin ang konsensiya at pagmamahal sa bayan, panawagan ng pangulo ng Caritas Philippines sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,072 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas ng bansa na pairalin ang konsensya, katotohanan, at pagmamahal sa bayan higit sa anumang partidong pampulitika o pansariling interes.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, kaugnay sa kasalukuyang tensyong pampulitika na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Bishop Alminaza na siya ring Pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, mahalagang manaig ang pagiging makatarungan, patas, at tapat ng mga lingkod-bayan sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa sambayanang Pilipino at sa Saligang Batas.

“Ang ating panawagan sa ating mga mambabatas ay pairalin ang konsensya, katotohanan, at pagmamahal sa bayan higit sa anumang partidong pampulitika o pang-sariling interes. Nawa’y maging makatarungan, patas, at tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan at sa Saligang Batas,”
Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang tunay na lingkod-bayan ay inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes at kapangyarihan na maipapakita sa pamamagitan ng integridad, malasakit sa mahihirap at inaapi at kakayahang managot sa mga maling nagawa sa laban sa tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan.

“Ang tunay na lingkod-bayan ay inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes o kapangyarihan. Nakikita ito sa integridad, transparency, kakayahang managot, at malasakit lalo na sa mahihirap at naaapi,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag din ni Bishop Alminaza ang suporta ng Caritas Philippines sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagsusulong ng accountability at transparency sa pamahalaan.

Giit ng Obispo, ang proseso ng impeachment ay isang naaangkop na pagkakataon para sa Bise Presidente upang patunayan ang kanyang integridad at malinawan ang publiko sa pamamagitan ng pagbubunyag ng katotohanan.

“Kaya nga suportado tayo dun sa impeachment process kasi opportunity yan sa ating Bise Presidente na kung talagang naniniwala siya na wala siyang pagkakamali, patunayan niya sa Korte sa nararapat na forum,”
Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa popularidad kundi sa tapat na paglilingkod na may pananagutan at pagiging bukas sa taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 15,978 total reads

 15,978 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 53,055 total reads

 53,055 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 106,890 total reads

 106,890 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 169,799 total reads

 169,799 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 237,564 total reads

 237,564 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 1,236 total reads

 1,236 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top