National signing day for People’s Initiative, idadaos ng D1L Movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,722 total reads

Inihayag ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang planong pagdaraos ng National Signing Day for People’s Initiative para itulak ang isang “genuine anti-political dynasty law”.

Sa panayam kay Atty. Alex Lacson ng Dapat Isa Lang Movement Petitioner sa Radyo Veritas ay inihayag nito ang plano ng kilusan na pagsasagawa ng National Signing Day for People’s Initiative sa Hunyo 12, 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Atty. Lacson, layunin ng nationwide campaign na makalikom ng mga lagda upang maisulong ang pagpasa ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa bansa sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Pagbabahagi ni Lacson, kabilang sa pinaghahandaan ng kilusan ang pagtatakda ng mga lugar sa bawat distrito sa bansa kung saan maaring magtungo ang mga mamamayan upang lumagda ng pakikiisa sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

“Sa June 12 which is the National Independence Day sinet po natin yan as National Signing Day for People Initiative. Let’s make a national campaign na we will identify the areas kung saan pupunta ang mga tao sa distrito nila at doon po pupunta sila at mag-sign. National Signing Day for People Initiative, para makapasa tayo ng genuine na Anti-Dynasty Law, nationwide campaign ang gagawin natin.” Bahagi ng pahayag ni Atty. Lacson sa Radyo Veritas.

Isinusulong ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang pagpapatibay ng isang tunay na batas laban sa political dynasty sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon sa kilusan, layunin nitong wakasan ang siklo ng korapsyon at kahirapan na dulot na rin ng dominasyon ng iilang pamilya sa politika.

Iminumungkahi ng panukala na limitahan sa isang posisyon lamang ang maaaring hawakan ng isang pamilya sa bawat antas ng pamahalaan, saklaw ang mga kamag-anak hanggang ika-apat na antas.

Sa ilalim ng People’s Initiative, kinakailangan ang lagda ng 10 porsyento ng rehistradong botante sa buong bansa at 3 porsyento sa bawat distrito upang maisulong ang panukala sa plebisito.

Binigyang-diin ng Dapat Isa Lang o D1L Movement na layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,366 total reads

 11,366 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,662 total reads

 92,662 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,887 total reads

 186,887 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,377 total reads

 247,377 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,727 total reads

 260,727 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,613 total reads

 17,613 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top