273 total views
Mariing pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang paglalarawan ni Senate President Alan Peter Cayetano sa naging madugong war on drugs bilang isang “pro-life campaign” at “human rights campaign.”
Ayon sa Cardinal na dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), libo-libong pamilya ang naulila matapos mapatay ang kanilang mga mahal sa buhay nang walang due process dahil lamang sa hinalang pagkakasangkot sa ilegal na droga.
“The new Senate President Alan Peter Cayetano calls the bloody drug war “a human rights campaign” and “a pro-life campaign.” I wonder if he can say this straight to the faces of the thousands of women widowed and children orphaned when their loved ones — on mere suspicion of drug involvement, and without benefit of due process — were murdered in cold blood.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.
Binigyang-diin din ni Cardinal David na maraming biktima ang dumanas ng pagdukot, tortyur, at brutal na pamamaslang noong kasagsagan ng kampanya kontra illegal na droga.
“Countless victims were not simply shot. They were abducted, tortured, then dropped dead in the streets, their heads wrapped in plastic bags, sealed with packaging tape around their necks — left to struggle for their last gasp of oxygen until they breathed no more.” Dagdag pa ni Cardinal David.
Iginiit din ng Cardinal na ang mga pampublikong pahayag na nagbibigay-katwiran sa extrajudicial killings ay maaaring maituring sa ilalim ng international law bilang pag-uudyok o pagsuporta sa crimes against humanity.
Paliwanag ni Cardinal David, taliwas sa naganap noong nakalipas na administrasyon ang sinabing pagiging ‘pro-life campaign’ ng War on Drugs kung saan sa halip na isulong ang pagpapanibago ay nagdulot lamang ito ng marahas ng pagkamatay sa maraming inosenteng indibidwal.
“Mr. Cayetano should know that under international law, public statements that frame extrajudicial killings as “pro-life” — that rehabilitate and legitimize a campaign of murder — do not enjoy the protection of free speech. They can constitute “instigation” or “aiding and abetting” crimes against humanity under Article 25 of the Rome Statute, when such words provide moral support that emboldens perpetrators and grants them a sense of impunity.” Ayon pa kay Cardinal David.
Pagbabahagi ng Cardinal, dapat na maunawaan ng bawat isa na ang bawat salita ay dapat na mayroong pananagutan sapagkat maging ang mga salita ay may kaakibat na kahihinatnan, at may mga salita rin na maaaring makasakit at magkaroon ng biktima sa lipunan.
“Words have consequences. Words have victims. And in international criminal law, words have accountability,” Ayon pa kay Cardinal David.
Matatandaang inakusahan sa International Criminal Court (ICC) ng crimes against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyan ng nakakulong sa The Hague, Netherlands habang kasama na rin sa Wanted List ng ICC si dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad noong taong 2016 ng dating administrasyong Duterte.
Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay






