Mananampalataya, hinimok na makiisa sa alay kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332 total views

Hinihikayat ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual ang bawat mananampalataya na makiisa sa Alay Kapwa Telethon 2017 at ipadama ang tunay na diwa ng semana santa na damayan ang kapwang nangangailangan.

Ayon kay Father Pascual, layunin ng 12-oras na telethon na makalikom ng pondo na tutugon sa mga Pilipinong naging biktima at patuloy na nakararanas ng iba’t ibang uri ng sakuna.

“Tulad ng ating Panginoong Hesukristo na naghandog ng Kanyang buhay para sa katubusan ng sanlibutan kaya tayo bilang mga alagad N’ya, inaanyayahan din tayo na magmalasakit sa kapwa lalong-lalo na sa mga mahihirap, mga biktima ng kalamidad, mga maysakit at mga nasa laylayan n gating lipunan,” pahayag ni Father Anton.

Umaapela rin ang pinuno ng social arm ng Archdiocese of Manila sa bawat isa na maging bahagi ng Alay Kapwa Telethon 2017 bilang paghahanda sa mga kalamidad na maaaring maranasan ng bansa.

“Tayo ay nananawagan sa mga kababayan nating Kristyano lalo na ang Katoliko na magdasal tayo na huwag tayong dalawin ng mga matitinding sakuna at kung mayroon man ay nakahanda ang simbahan, naglilikom tayo ng pondo upang makatutugon kaagad tayo sa ating mga kababayan,” panawagan ng pari

Umaasa ang pari na maakalikom ang isinasagawang telethon ng dalawang milyong piso tulad noong nakaraang taon.

Magugunitang noong Nobyembre 2013 kung saan hinagupit ang bansa ng bagyong Yolanda ay nakalikom ang Caritas Manila ng humigit-kumulang 350-milyong piso na ginamit sa pagbibigay ng agarang relief goods sa mga apektadong residente, gamot, tubig at damit gayundin ang pagbibigay ng housing materials sa mga nasirang bahay at pagkakaloob ng spiritual formations sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction, pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pangunahing naaapektuhan ng mga kalamidad kung saan naitala ang 274 na magkakaibang sakuna sa nakalipas na dalawang dekada.

Patuloy namang nananawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa suporta ng bawat mananapalataya na padaluyin ang habag sa ating mga puso at maging instrumento ng awa sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 3,169 total views

 3,169 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 26,321 total views

 26,321 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 96,433 total views

 96,433 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 171,047 total views

 171,047 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 250,941 total views

 250,941 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,329 total views

 143,329 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,049 total views

 309,049 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top