Suporta at pakikiisa kay Bishop Mangalinao, bumuhos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,317 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Justice, Peace and Integrity of Creation Commission ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP-JPICC at mga mission partner nito kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay ng kanyang pagtutol sa mga pagmimina na nagbabanta sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Sa inilabas na pahayag ng grupo na may titulong “A Test of Leadership, A Call to Conscience,” binigyang-diin ng CMSP-JPICC ang suporta sa Obispo na patuloy na ginagampanan ang kanyang pastoral na tungkulin sa pagtatanggol sa sangnilikha at sa mga mamamayang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

Ayon sa grupo, nakababahala ang isinampang kasong sibil laban kay Bishop Mangalinao at ilang environmental advocates bunsod ng kanilang pagtutol sa mga aktibidad ng pagmimina sa rehiyon.

“The Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC) of the Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), together with our Mission Partners, expresses its profound solidarity and unwavering support for Most Rev. Jose Elmer I. Mangalinao, D.D., Bishop of Bayombong, who continues to courageously exercise his pastoral ministry in defense of God’s creation and the communities entrusted to his care. We note with deep concern the filing of a civil case against Bishop Mangalinao and several environmental advocates arising from their public opposition to mining activities that they believe threaten critical watersheds, ecosystems, indigenous peoples, and local communities in Nueva Vizcaya and Quirino.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Bagama’t iginagalang ng komisyon ang kasarinlan ng hudikatura at ang legal na proseso, iginiit nitong hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng mga hakbang na maaaring makapigil sa lehitimong adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan at pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping may kinalaman sa kabutihang panlahat.

Binigyang-diin din ng CMSP-JPICC na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi hadlang sa kaunlaran kundi mahalagang sangkap ng tunay at pangmatagalang pag-unlad.

” The concerns raised by Bishop Mangalinao are not rooted in political interests nor personal gain. They arise from his pastoral responsibility as shepherd of the Diocese of Bayombong and from the Church’s enduring commitment to protect human dignity, safeguard creation, and stand beside those whose lives and livelihoods depend upon healthy forests, rivers, watersheds, and ancestral lands.” Dagdag pa ng CMSP-JPICC.

Nanawagan din ang grupo sa pambansang pamahalaan, mga mambabatas, Department of Environment and Natural Resources, National Commission on Indigenous Peoples, at iba pang opisyal ng pamahalaan na pairalin ang matapang na pamumuno sa pangangalaga sa likas-yaman at kapakanan ng mga komunidad.

Hinimok din nito ang mga lider ng pamahalaan na pakinggan ang tinig ng mga lokal na pamayanan, mga katutubo, at mga eksperto sa kalikasan upang matiyak na ang pag-unlad ay nakabatay sa katarungan, pananagutan, at paggalang sa tao at kalikasan.

“We urge our government leaders to listen attentively to the voices of local communities, indigenous peoples, environmental experts, and all those who seek the responsible stewardship of our natural resources. The pursuit of development must always be guided by justice, transparency, accountability, and respect for both people and planet.” Ayon pa sa CMSP-JPICC.

Kasabay nito, muli ring binigyang-diin ng grupo ang paalala ni Pope Francis na ‘Everything is connected,’ bilang paanyaya sa lahat na pakinggan ang sigaw ng daigdig at ng mga mahihirap at itaguyod ang kabutihang panlahat.
Samantala tiniyak naman ng CMSP-JPICC ang patuloy na pakikiisa kay Bishop Mangalinao at sa lahat ng mga komunidad na mapayapang ipinagtatanggol ang kalikasan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 4,163 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,529 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 43,789 total views

 43,789 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 116,392 total views

 116,392 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 147,674 total views

 147,674 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 179,690 total views

 179,690 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 329,728 total views

 329,728 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 5,532 total views

 5,532 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top