Diocese of Legazpi, naglabas ng statement of support para kay Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,151 total reads

Nagpahayag ng panalangin at pakikiisa ang Diyosesis ng Legazpi kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, gayundin sa mga pari, relihiyoso, at mga layko ng Diyosesis ng Bayombong, kasunod ng pagkakasangkot ng Obispo sa kasong sibil kaugnay ng kanyang pastoral na pagsuporta sa mga komunidad na tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Sa inilabas na Statement of Solidarity ng Diyosesis ng Legazpi, binigyang diin nito ang kanilang pakikiisa sa misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita, itaguyod ang dignidad ng bawat tao, at pangalagaan ang sangnilikha na ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan.

“The Diocese of Legazpi expresses its prayerful solidarity with Most Rev. Jose Elmer I. Mangalinao, D.D., and the clergy, religious, and lay faithful of the Diocese of Bayombong following the filing of a civil case related to Bishop Mangalinao’s pastoral accompaniment of communities opposing mining activities in Nueva Vizcaya.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Ayon sa Diyosesis ng Legazpi, bilang mga tagasunod ni Kristo, nananatiling matatag ang Simbahan sa tungkulin nitong maging mabuting katiwala ng kalikasan at maging kaagapay ng mga pamayanang ipinagkakatiwala sa pastoral na pangangalaga nito.

Iginiit din ng diyosesis na ang pananagutang ito na isinabuhay ni St. Francis of Assisi, ay isang paanyaya upang maging mabubuting katiwala ng sangnilikha at mahabaging tagapaglingkod sa kapwa ang bawat isa.

“As disciples of Christ, we remain steadfast in our shared mission to proclaim the Gospel, uphold the dignity of every human person, and faithfully care for our common home, which God has entrusted to us. This responsibility, exemplified by St. Francis of Assisi, calls us to be good stewards of creation and compassionate companions of those entrusted to our pastoral care.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Legazpi.

Kasabay nito, nanawagan din ang Diyosesis ng Legazpi ng panalangin upang manaig ang katotohanan, katarungan, at kapayapaan, at upang ang lahat ng sangkot sa usapin ay magabayan ng karunungan, pagiging makatarungan, at paggalang sa batas.

“We likewise pray that truth, justice, and peace may prevail, and that all those involved may be guided by wisdom, fairness, and respect for the rule of law.” Ayon pa sa Diyosesis ng Legazpi.

Samantala, hiniling din ng diyosesis ang pamamagitan ng Mahal na Ina ng Kaligtasan upang patuloy na palakasin ng Panginoon ang lahat ng naglilingkod para sa kapakanan ng sambayanan at sa pangangalaga ng Kanyang nilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,672 total reads

 113,672 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 147,002 total reads

 147,002 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,146 total reads

 179,146 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,208 total reads

 245,208 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,171 total reads

 257,171 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top