Bishop Baylon, nanawagan sa mananampalataya na magsuot ng puting laso sa June 28

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,652 total reads

Hinikayat ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Legazpi na magsuot ng puti o kaya’y magsuot ng puting laso sa pagdalo sa Banal na Misa sa Hunyo 28, 2026 bilang pagpapahayag ng panalangin at pag-asa para sa bayan.

Ito ang bahagi ng panawagan ng Obispo sa inilabas na pastoral appeal ni Bishop Baylon noong Hunyo 24, 2026 na may titulong “For Truth, Justice, and National Renewal.”
Sa kanyang mensahe, inimbitahan ni Bishop Baylon ang mga mananampalataya na suportahan ang White Ribbon Movement bilang isang faith-based at non-partisan na pagkilos para sa katotohanan, katarungan, at pambansang pagpapanibago.

“On Sunday, June 28, let us gather for the Sunday Mass, where the Lord renews our hearts and strengthens us to become instruments of truths, justice, peace, and charity. As a simple expression of our hope for our country, I encourage everyone to wear white when attending Mass or to wear a white ribbon.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Baylon.

Hinimok din ng Obispo ang mga pamilya, paaralan, tanggapan, negosyo, institusyon, at mga parokya na maglagay ng puting laso bilang tanda na ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa bawat isa sa lipunan.

Pinaalalahanan din ni Bishop Baylon ang mga Katoliko na hindi dapat matapos sa isang araw lamang ang kanilang pagsasabuhay ng pananampalataya at pagiging mabuting mamamayan sa halip ay dapat na isabuhay sa pang-araw-araw.

Ayon sa obispo, “Our witness, however, must not end on this day only. It must become a way of life! As followers of Christ, let us continue to seek the truth, reject misinformation, resist every form of corruption, and exercise prudent discernment in all that we hear, share, and do.”

Kasabay ng paghahanda ng Diyosesis ng Legazpi para sa pagdiriwang ng Diamond Jubilee nito, nanawagan din si Bishop Baylon sa mga mananampalataya na muling pagtibayin ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng isang lipunang nakabatay sa katarungan, malasakit, at pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 46,431 total reads

 46,431 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 68,522 total reads

 68,522 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 168,337 total reads

 168,337 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 201,664 total reads

 201,664 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 232,395 total reads

 232,395 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top