MPD, nanawagan sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagpatiyak sa kaligtasan ng mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,513 total reads

Nanawagan ang Manila Police District (MPD) sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod, sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang indibidwal at aktibidad sa komunidad.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mahigit kalahating milyong mag-aaral sa Lungsod ng Maynila kasunod ng mga serye ng karahasan sa loob ng paaralan na naganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Ines, nasa 204 ang mga paaralan sa lungsod ang muling nagbukas ng klase, kabilang ang 116 pampublikong paaralan at 88 pribadong paaralan na may aabot sa mahigit 500,000 estudyante.

“Ang kailangan po natin dito collaboration ng ating mga kababayan. Sabi ko nga po yung pagre-report lamang po ay napakahalaga na niyan dahil sa dami po dito sa Lungsod ng Maynila mahigit 2-milyon po ang tao dito at meron pong 896 barangay, kung mapapansin po natin para mabigyan po natin ng view yung ating mga kababayan. Kaya po napakahalaga po dito yung tinatawag natin na pagtutulungan,”
Bahagi ng pahayag ni Ines sa Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Ines na bagama’t nagpatupad na ang MPD at ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang security measures upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa mga mag-aaral, ay hindi pa rin dapat maging kampante ang sinuman.

“Dito po sa atin sa Maynila may mga security measures po tayong ginagawa para hindi po magkaroon ng kahalintulad na pangyayari dito po sa Lungsod ng Maynila, gayunpaman po lahat po possible kaya hindi po tayo nagiging kumpyansa para dito,” Dagdag ni Ines.

Giit ng opisyal, mahalaga ang malasakit ng bawat mamamayan sa pagsugpo sa kriminalidad sapagkat kinakailangan ang pakikialam at pakikisangkot ng bawat isa upang masugpo ang krimen sa lipunan.

“Ang pagsugpo sa krimen dapat may pakialam ang bawat isa. Yung simpleng pagrereport lang natin napakahalaga po niyan, so kapag meron po kayong nakita na kahina-hinalang indibidwal base po sa kanilang presensya at galaw, i-report niyo po sa mga otowidad, gamitin niyo po yung numerong 911 para makita niyo po yung mabilis nating aksyon po dito.” Ayon pa kay Ines.

Partikular na hinimok ni Ines ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o presensya ng mga indibidwal sa kanilang komunidad at gamitin ang emergency hotline na 911 upang matiyak ang mabilis na pagtugon o pagresponde ng mga kinauukulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 17,862 total reads

 17,862 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 103,267 total reads

 103,267 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 167,110 total reads

 167,110 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 255,193 total reads

 255,193 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 337,366 total reads

 337,366 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top