Malaking impluwensiya ng social media sa child development, ikinababahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,298 total views

Nagbabala ang isang child development advocate sa lumalaking impluwensya ng social media at gadgets sa mga kabataan, kasabay ng panawagang palakasin ang paggabay ng mga magulang at paghubog ng mabuting asal sa loob ng tahanan.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Jhon Carandang-isang Child/Adolescent Psychologist Behavioral Therapist, bagama’t hindi masama ang social media, nagiging hamon na para sa mga magulang ang lawak ng impluwensyang nakukuha ng mga bata mula sa internet at online content.

“Mas marami na pong nakikinig na mga kabataan ngayon sa sinasabi ng social media kaysa sa sinasabi ng mga magulang. Hindi naman lahat masama ang mga social media content creator, pero mas marami po silang pinaniniwalaan na hindi maganda kaysa sa sinasabi ng mga magulang,” ayon kay Carandang.

Ayon pa sa eksperto, madalas na hindi namamalayan ng mga magulang kung gaano kalaki ang epekto ng maagang pagkakalantad ng mga bata sa gadgets.

“Minsan, akala natin na pag ang isang batang maliliit, mga tatlong taong gulang, marunong na sa cellphone, matalino, magaling. Pero hindi natin alam, iyon na po ang magiging simula na kung saan impluwensya na po sila ng gadget, hindi na po ng mga magulang,” aniya.

Sinabi rin nito na hindi na tulad noon na limitado ang exposure ng mga bata sa telebisyon at iba pang media.

“Sa panahon ngayon iba na, hindi na kayang kontrolin ng mga magulang. Marami na silang nakita na sa tingin natin hindi na natin kayang kontrolin sapagkat sila na may hawak ng kontrol,” dagdag niya.

Disiplina ay pagwawasto, hindi pagpaparusa

Kasabay nito, binigyang-diin pa ni Carandang na mali ang pagtingin na ang disiplina ay katumbas lamang ng pagpaparusa.

“Ang disiplina kasi, kung hindi po ako nagkakamali, pagtuturo, pagwawasto. Iwawasto mo ang mali,” aniya.

Ayon sa kanya, dapat ituwid ng mga magulang ang maling asal ng kanilang mga anak nang hindi sinasaktan ang kanilang pagkatao.

“Kailangan nating iwasto, i-call out ang maling ginagawa ng mga bata, pero hindi sa pamamaraan na parang nilulusaw natin ang mga bata,” aniya.

Nagbabala rin siya laban sa paggamit ng masasakit na salita sa pagdidisiplina.

“Yung physical pain, pag pinalo mo, mawawala yan. Pero yung emotional pain na galing sa bibig ninyo, puwede niyang ma-mars forever,” dagda pa ni Carandang.

Bilang alternatibo, iminungkahi nito ang paggamit ng mas maingat na pananalita.

“Mas mabuting gamitin mo ang ‘I-language.’ Halimbawa, ‘Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, anak. Nalulungkot ako dahil hindi ka na natututong makinig sa akin.’ Nagiging reflective ang bata,” paliwanag niya.

Palakasin ang values education

Sa usapin naman ng mga mararahas na video game at panukalang ibaba ang edad ng criminal liability sa 10 taong gulang, sinabi ni Carandang na mas dapat pagtuunan ng pansin ang paghubog sa mga bata kaysa agad na pag-usapan ang pagpaparusa.

“Huwag na muna nating tingnan kung anong edad ng bata ang parurusahan. Tingnan natin anong gagawin natin bilang matatanda. Ano ang gagawin natin sa gobyerno upang ang kriminalidad ay mabawasan? At ano ang gagawin nating programa para itong mga batang ito, sa halip na maisip ang masama, ay maging mabuti?” saad pa ni Carandang.

Naniniwala rin ang dalubhasa na dapat palakasin ang values formation sa mga paaralan.

“Maaaring kailangan pagtingin ang values education. Noon meron tayong GMRC. Respect, kindness, humility. Sana kahit sa public school, ma-emphasize iyon. Hindi masyadong focus sa grades at curriculum lamang,” aniya.

Kasabay nito, binigyang-diin niya na ang paghubog ng mabuting asal ay nagsisimula sa tahanan.

“Doon pa lang sa bahay, hubugin na natin. Ang paghubog dapat magmula sa tahanan,” aniya.

Para kay Carandang, mahalagang manatiling pangunahing gabay ang mga magulang sa kanilang mga anak sa kabila ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya at lumalawak na impluwensya ng social media sa kabataan.

Sa kasalukuyan ay naging mainit na usapin ang epekto ng social media at karahasan ng mga kabataan dulot na rin ng magkakasunod na insidente ng pananaksak at pamamaril ng ilang estudyante sa mga paaralan.

Kamaikailan, tatlong mag-aaral ang nasawi at 13 sugatan dahil sa pamamaril ng dalawang menor de edad sa loob ng paaralan sa Tacloban City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 7,741 total views

 7,741 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,470 total views

 75,470 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 98,622 total views

 98,622 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 168,736 total views

 168,736 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 242,899 total views

 242,899 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top