Pilgrim image ni Inay Salud, dadalaw sa National Children Hospital

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,890 total views

Inihayag ng Cofradía del Tránsito de Nuestra Señora ang pagdalaw ng national pilgrim image ng Nuestra Señora de la Salud, o mas kilala bilang Inay Salud, sa dalawang pangunahing pampublikong pagamutan sa bansa bilang bahagi ng paghahanda sa ika-400 taon ng kanyang debosyon sa Pilipinas sa 2034.

Mula June 27 hanggang July 4 ay dadalawin ng imahe ang National Children’s Hospital (NCH), habang mula July 4 hanggang July 11 naman itong mananatili sa Philippine General Hospital (PGH) upang maghatid ng pag-asa, panalangin, at espirituwal na pag-aaruga sa mga pasyente, partikular sa mga batang pasyente at kanilang mga pamilya.

Ayon kay Bro. Rex Jardinero, pangulo ng Cofradía, layunin ng mga pagdalaw na iparamdam sa mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay na kasama ang Mahal na Ina sa kanilang pagharap sa mga hamong pangkalusugan.

“These visits seek to provide spiritual encouragement and support to pediatric patients and their families, many of whom face difficult medical journeys. Through shared moments of prayer, Marian devotion, blessing, and fellowship, we hope to remind them that they are not alone in their struggles and that Inay Salud continues to accompany them with a mother’s love and care,” ayon kay Jardinero.

Binigyang-diin ni Jardinero na patuloy na pinalalawak ng Cofradía ang misyon ng pagdadala kay Inay Salud sa mga ospital at institusyong pangkalusugan upang maihatid ang ginhawa at pag-asa sa mga higit na nangangailangan ng kanyang maka-inang pagkalinga.
Samantala, sinabi naman ni Fr. Robin Ross Plata, OAR, spiritual director ng Cofradía, na higit pa sa pisikal na kagalingan ang layunin ng pagbisita ng imahe sa mga maysakit.

“The mission of Inay Salud has always been one of bringing people closer to Christ, the Divine Healer. These visits seek not only physical healing but also emotional, mental, and spiritual renewal for those who are suffering,” ayon kay Fr. Plata.

Ayon sa pari, nananatiling sentro ng debosyon kay Inay Salud ang pag-akay sa mga mananampalataya tungo kay Kristo bilang bukal ng grasya ng kagalingan, lalo na sa panahon ng karamdaman, pagdurusa, at kawalang-katiyakan.

Kabilang sa mga tampok na gawain sa PGH ang pagsasagawa ng Healing Masses para sa mga batang may cancer at kanilang mga pamilya, gayundin ang “MusiKalinga: Awit ng Paghilom, Tinig ng Pag-asa”, isang healing concert bilang pagpupugay kay Inay Salud na nakatakdang isasagawa sa July 10.

Isasagawa rin sa dalawang ospital ang iba’t ibang gawaing debosyonal at mga liturhiya tulad ng Banal na Misa, Perpetual Novena, pagdarasal ng Santo Rosaryo, at ang Rite of the Imposition of Veil na natatangi sa debosyon kay Inay Salud bilang panalangin para sa kanyang maka-inang proteksyon at pamamagitan para sa mga may karamdaman.

Bahagi ang mga pagdalaw ng national pilgrim image sa programang “Pagsibita ni Inay,” isang pilgrimage ng imahe sa mga parokya, kapilya, ospital, at komunidad bilang paghahanda sa Quadricentennial Celebration sa 2034 na may temang, “With Inay Salud, We Journey On: 400 Years of Faith, Fidelity, and Fortitude.”

Sa halos apat na siglong debosyon kay Inay Salud, patuloy na nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob ang Mahal na Birhen sa mga may karamdaman at nahaharap sa matitinding pagsubok, habang inaakay ang mga mananampalataya na higit pang magtiwala sa pagmamahal at kalinga ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,040 total views

 18,040 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,122 total views

 51,122 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,473 total views

 79,473 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,203 total views

 147,203 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,948 total views

 168,948 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top