Diocese of Daet, nagpahayag ng pakikiisa sa White Ribbon Movement march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,580 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Daet sa nakatakdang White Ribbon Movement March sa ika-28 ng Hunyo, 2026 na layuning isulong ang katotohanan, pananagutan, katarungan, at mabuting pamamahala sa bansa.

Sa liham sirkular ni Daet Bishop Herman Abcede para sa mga Pari, relihiyoso, relihiyosa, at mga layko sa diyosesis ay hinikayat ng Obispo ang lahat na magsuot ng kulay putting damit o maglagay ng puting laso sa pagdalo at pakikibahagi sa pagdiriwang ng banal na misa sa Hunyo 28, 2026.

Nanawagan din si Bishop Abcede bawat pamilya, mga paaralan, establisyemento, at iba’t ibang mga institusyon na maglagay rin ng mga kulay puting laso sa labas ng mga tahanan, tanggapan, at mga gusali upang maipakita ang pakikiisa sa layunin ng pagkilos sa nasabing araw.

“In solidarity and support for the White Ribbon Movement March, I encourage everyone to wear white clothing when attending Mass. If this is not possible, you may wear or pin a white ribbon. I likewise invite families, schools, offices, businesses, and institutions to display white ribbons in their homes, cars, workplaces, buildings, churches, and parish offices, as a visible sign of our shared desire for integrity, transparency, and good governance.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Abcede.

Ayon sa Obispo, ang pakikibahagi sa nakatakdang White Ribbon Movement March ay isang paraan ng pakikiisa sa pananawagan at pananalangin para sa mabuting pamamahala, pananagutan, at tunay na katarungan panlipunan sa bansa.

“This is a call and prayer for accountability, truth, justice and responsibility in our country.” Dagdag pa ni Bishop Abcede.

Paliwanag ng Obispo, mahalaga na tuwinang ialay sa Panginoon ang bawat panalangin, sakripisyo, pananampalataya at pag-asa sapagkat tanging sa Panginoon nagmumula ang tunay na kapayapaan, kasaganahan, at katarungan na hinahangad ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 193,595 total views

 193,595 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 223,818 total views

 223,818 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 250,463 total views

 250,463 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 345,436 total views

 345,436 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 353,920 total views

 353,920 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top