White Ribbon March, patuloy na paalala ng kawalan ng pananagutan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,592 total reads

Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, na mahalagang manatiling buhay sa kamalayan ng mamamayan ang usapin ng korapsyon upang matiyak na mapanagot ang lahat ng sangkot dito.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Bagaforo na layunin ng nakatakdang White Ribbon March sa Hunyo 28, 2026 na ipagpatuloy ang panawagan para sa pananagutan sa korapsyon at pagsusulong ng repormang pampulitika sa bansa.

“Ang gagawin nating pagkilos ngayong Linggo ay tinawagan naming White Ribbon March, pagpapatuloy ito ng ating panawagan tungkol sa korapsyon at nangyayari sa ating bansa. What we are afraid is baka nakalimutan na yung issue on corruptions, patuloy yung ating panawagan na lahat ng sangkot ay managot sa korapsyon mula itaas hanggang baba,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Pinaalalahanan din ni Bishop Bagaforo na siya ring convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation at White Ribbon Movement ang mga mambabatas at mga kasapi ng hudikatura na huwag kalimutan at masusing imbestigahan ang mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan.

“Paalaala sa ating mga legislators at saka sa judiciary department ng ating government na huwag kalimutan at halungkatin ng malalim at ng maayos at ng pantay-pantay ang hustisya para sa lahat tungkol dito sa korapsyon na nangyayari sa ating bansa,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Bukod sa laban sa korapsyon, binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo ang pagbibigay prayoridad sa pagsusulong ng isang tunay na batas laban sa political dynasty na nakasaad sa Saligang Batas lalo na sa papalapit na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Ayon sa Obispo, kabilang sa isinusulong na panawagan ng nakatakdang White Ribbon March ang pagsusulong sa isang tunay at ganap na Anti-Political Dynasty Law na ganap na tatapos sa umiiral na dinastiya ng pulitika sa bansa.

“Yung ating pagtataguyod na gawing batas yung Anti-Political Dynasty na nakasaad sa ating Konstitusyon, to come up with mga enabling laws na dapat ay tutukan na, gawing priority yan lalong lalo na malapit na ang State of the Nation Address (SONA) ng ating pangulo ay gawing priority na isabatas yung Anti-Political Dynasty na probitions sa ating Konstitusyon.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinaliwanag rin ng Obispo na puti ang napiling simbolo ng pagkilos bilang tanda ng pagkakaisa at pagiging non-partisan ng adhikain na layuning isulong ang kapakanan at kabutihan ng sambayanan o ng common good.

“Itong sa atin ay puti, in other words walang pinapaboran lahat tayo sama-sama. Puti sapagkat yung ating adhikain ay sinsero at malinis, non-political tayo, ang sa atin lang ay para sa kapakanan at kabutihan ng ating bansa,” saad ni Bishop Bagaforo.

Nakatakdang pangunahan ni Bishop Bagaforo ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine ganap na alas-dose ng tanghali bago ang martsa patungong EDSA People Power Monument kung saan magsasagawa ng programa mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 123,801 total reads

 123,801 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 155,531 total reads

 155,531 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 257,358 total reads

 257,358 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 297,915 total reads

 297,915 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 313,259 total reads

 313,259 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 59,208 total reads

 59,208 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top