Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) sa pamahalaan, mga korporasyon at publiko na wakasan ang lumalalang pananakot at legal na panggigipit laban sa mga environmental human rights defenders (EHRDs) sa bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,076 total reads

Ayon sa grupo, matagal nang nararanasan ng mga komunidad at kanilang mga katuwang na organisasyon ang masamang epekto ng malawakang pagmimina at iba pang mapaminsalang proyekto sa kalikasan.

Tinukoy ng PMPI ang mga kasong kinakaharap ng mga miyembro ng Homonhon Environmental Advocates and Rights Defenders (HEARD), na anila’y bahagi ng pagtatangkang patahimikin ang mga tumututol sa pagmimina.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang organisasyon sa pagkakadawit ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang ilang pari at mga tagapagtanggol ng kalikasan, sa isang kasong sibil kaugnay ng kanilang pagtutol sa panukalang 4,456-hectares na mining exploration project sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

“When a bishop is sued simply for celebrating Mass, offering prayers, and standing with Indigenous communities, the law has been severed from its moral foundation,” pahayag ng PMPI.

Nanawagan ang PMPI sa mga ahensya ng pamahalaan at mga institusyong pangkatarungan na tiyakin ang epektibong proteksyon sa mga environmental defenders at igalang ang karapatan ng mga komunidad at mga Katutubong Pamayanan.

Hinimok din ng grupo ang mga kumpanya na itigil ang paggamit ng legal na sistema laban sa mga komunidad, lider ng simbahan at mga tagapagtanggol ng kalikasan, at igalang ang Free, Prior and Informed Consent (FPIC) ng mga katutubong pamayanan.

Nanawagan din ang PMPI sa mga mamamayan at mananampalataya na makiisa sa pagtatanggol sa kalikasan at suportahan ang mga komunidad na nagsusulong ng katarungang pangkalikasan.

“We are now witnessing a catastrophic role reversal where corporations enjoy greater protection than communities and ecosystems. This must end. The era of ecological justice must begin,” saad ng PMPI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 111,644 total reads

 111,644 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 144,974 total reads

 144,974 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 177,118 total reads

 177,118 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 243,180 total reads

 243,180 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 255,287 total reads

 255,287 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,143 total reads

 122,143 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top