MPD, nanawagan sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagpatiyak sa kaligtasan ng mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,319 total reads

Nanawagan ang Manila Police District (MPD) sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod, sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang indibidwal at aktibidad sa komunidad.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines na mahalaga ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mahigit kalahating milyong mag-aaral sa Lungsod ng Maynila kasunod ng mga serye ng karahasan sa loob ng paaralan na naganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Ines, nasa 204 ang mga paaralan sa lungsod ang muling nagbukas ng klase, kabilang ang 116 pampublikong paaralan at 88 pribadong paaralan na may aabot sa mahigit 500,000 estudyante.

“Ang kailangan po natin dito collaboration ng ating mga kababayan. Sabi ko nga po yung pagre-report lamang po ay napakahalaga na niyan dahil sa dami po dito sa Lungsod ng Maynila mahigit 2-milyon po ang tao dito at meron pong 896 barangay, kung mapapansin po natin para mabigyan po natin ng view yung ating mga kababayan. Kaya po napakahalaga po dito yung tinatawag natin na pagtutulungan,”
Bahagi ng pahayag ni Ines sa Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Ines na bagama’t nagpatupad na ang MPD at ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang security measures upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa mga mag-aaral, ay hindi pa rin dapat maging kampante ang sinuman.

“Dito po sa atin sa Maynila may mga security measures po tayong ginagawa para hindi po magkaroon ng kahalintulad na pangyayari dito po sa Lungsod ng Maynila, gayunpaman po lahat po possible kaya hindi po tayo nagiging kumpyansa para dito,” Dagdag ni Ines.

Giit ng opisyal, mahalaga ang malasakit ng bawat mamamayan sa pagsugpo sa kriminalidad sapagkat kinakailangan ang pakikialam at pakikisangkot ng bawat isa upang masugpo ang krimen sa lipunan.

“Ang pagsugpo sa krimen dapat may pakialam ang bawat isa. Yung simpleng pagrereport lang natin napakahalaga po niyan, so kapag meron po kayong nakita na kahina-hinalang indibidwal base po sa kanilang presensya at galaw, i-report niyo po sa mga otowidad, gamitin niyo po yung numerong 911 para makita niyo po yung mabilis nating aksyon po dito.” Ayon pa kay Ines.

Partikular na hinimok ni Ines ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o presensya ng mga indibidwal sa kanilang komunidad at gamitin ang emergency hotline na 911 upang matiyak ang mabilis na pagtugon o pagresponde ng mga kinauukulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,694 total reads

 113,694 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 147,024 total reads

 147,024 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,168 total reads

 179,168 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,230 total reads

 245,230 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,192 total reads

 257,192 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top