Diocese of Daet, nagpahayag ng pakikiisa sa White Ribbon Movement march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,448 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Daet sa nakatakdang White Ribbon Movement March sa ika-28 ng Hunyo, 2026 na layuning isulong ang katotohanan, pananagutan, katarungan, at mabuting pamamahala sa bansa.

Sa liham sirkular ni Daet Bishop Herman Abcede para sa mga Pari, relihiyoso, relihiyosa, at mga layko sa diyosesis ay hinikayat ng Obispo ang lahat na magsuot ng kulay putting damit o maglagay ng puting laso sa pagdalo at pakikibahagi sa pagdiriwang ng banal na misa sa Hunyo 28, 2026.

Nanawagan din si Bishop Abcede bawat pamilya, mga paaralan, establisyemento, at iba’t ibang mga institusyon na maglagay rin ng mga kulay puting laso sa labas ng mga tahanan, tanggapan, at mga gusali upang maipakita ang pakikiisa sa layunin ng pagkilos sa nasabing araw.

“In solidarity and support for the White Ribbon Movement March, I encourage everyone to wear white clothing when attending Mass. If this is not possible, you may wear or pin a white ribbon. I likewise invite families, schools, offices, businesses, and institutions to display white ribbons in their homes, cars, workplaces, buildings, churches, and parish offices, as a visible sign of our shared desire for integrity, transparency, and good governance.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Abcede.

Ayon sa Obispo, ang pakikibahagi sa nakatakdang White Ribbon Movement March ay isang paraan ng pakikiisa sa pananawagan at pananalangin para sa mabuting pamamahala, pananagutan, at tunay na katarungan panlipunan sa bansa.

“This is a call and prayer for accountability, truth, justice and responsibility in our country.” Dagdag pa ni Bishop Abcede.

Paliwanag ng Obispo, mahalaga na tuwinang ialay sa Panginoon ang bawat panalangin, sakripisyo, pananampalataya at pag-asa sapagkat tanging sa Panginoon nagmumula ang tunay na kapayapaan, kasaganahan, at katarungan na hinahangad ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 113,685 total reads

 113,685 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 147,015 total reads

 147,015 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 179,159 total reads

 179,159 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 245,221 total reads

 245,221 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 257,184 total reads

 257,184 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top