CSMP, nanawagan ng sama-samang pagkilos at pananalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,457 total reads

Nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP para sa kaliwanagan, pagbabagong-loob, at pagpapanibago ng bansa.
Sa mensahe ng CMSP, hinimok ng institusyon ang mga mamamayan na magkaisa sa panalangin sa gitna ng iba’t ibang hamon at suliraning kinakaharap ng bansa.

Ayon sa samahan ng mga religious superiors sa Pilipinas, bilang mga taong may pananampalataya ay tinatawagan ang bawat isa na hanapin ang karunungan ng Diyos, yakapin ang tunay na pagbabagong-loob, at magsikap para sa ganap na pagbabago ng lipunan.

Bilang bahagi ng panawagang ito, inaanyayahan ng CMSP ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Banal na Misa sa Hunyo 28, 2026, alas-dose ng tanghali sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine, na susundan ng martsa patungo sa People Power Monument at isang prayer gathering at programa mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.

Hinikayat din ng organisasyon ang mga dadalo na magsuot ng puting laso bilang tanda ng pagkakaisa, pag-asa, at pangako sa katotohanan at katarungan.
Ayon sa CMSP, “As people of faith, let us come together in prayer and solidarity for our nation. In this time of challenges and uncertainties, we are called to seek God’s wisdom, embrace conversion of heart, and work towards genuine renewal for our country.”

Binigyang-diin din ng samahan ang panawagang, sama-samang itaas sa Diyos ang puso at boses ng pagmamahal para sa bayan sa pamamagitan ng pananalangin, kasabay ng paalala sa ikapitong utos ng Diyos na, “Huwag kang magnakaw.”

Patuloy namang hinihikayat ng CMSP ang mamamayan na gampanan ang kanilang pananagutang sibil at makiisa sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala para sa ikabubuti ng sambayanan.
Nakatakdang pangunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue at siya ring convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation at White Ribbon Movement ang pagdiriwang ng banal na misa sa EDSA Shrine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 111,539 total reads

 111,539 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 144,869 total reads

 144,869 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 177,013 total reads

 177,013 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 243,075 total reads

 243,075 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 255,188 total reads

 255,188 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top