Lakbay Museo at Teatro ng Paghilom, itinanghal sa DOJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,463 total reads

Itinanghal sa Department of Justice (DOJ) ang Lakbay Museo ng Paghilom at Teatro ng Paghilom bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Program Paghilom at isang dekada mula nang magsimula ang kampanya kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Isinagawa ang pagtatanghal noong June 30, 2026 sa ilalim ng temang “Isang Dekada ng Sama-samang Pag-alala.” na dinaluhan nina 2025 Ramon Magsaysay Awardee Rev. Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD na siya ring Founder at President ng AJ Kalinga Foundation at Program Paghilom, at mga opisyal at kawani ng DOJ, gayundin ang mga pamilya ng mga biktima, kinatawan ng civil society organizations, legal community, mga lider ng simbahan, estudyante, at iba pang panauhin.

Ayon sa Program Paghilom, naging mahalagang pagkakataon ang pagdaraos ng programa sa pangunahing institusyon ng katarungan sa bansa upang higit na maisulong ang panawagan para sa katotohanan, pananagutan, restorative justice, at paghilom ng mga pamilyang naapektuhan ng kampanya kontra droga.

“Held at the country’s principal justice institution, the event underscored the continuing call for truth, accountability, restorative justice, and healing. For many families of victims, the Department of Justice has long represented their pursuit of justice. Through this gathering, the venue became a space for remembrance, dialogue, and solidarity.” Bahagi ng pahayag ng Program Paghilom.

Tampok sa Teatro ng Paghilom ang mga salaysay ng mga biyuda, ulila, at iba pang survivor na ibinahagi ang kanilang mga personal na karanasan sa panahon ng anti-drug campaign.
Ibinahagi rin sa pagtatanghal ang naging epekto ng libu-libong pagkamatay sa mga pamilya at komunidad, gayundin ang patuloy na pagtataguyod sa dignidad ng mga biktima.

Itinampok naman sa Lakbay Museo ng Paghilom ang mga larawan, personal na gamit, dokumentadong testimonya, at iba pang mga materyal na nagsasalaysay sa naging epekto ng kampanya kontra droga sa mga naapektuhang pamilya at pamayanan.

Ayon sa Program Paghilom, nagsisilbing memorial at educational platform ang traveling exhibit upang hikayatin ang mas malalim na pagninilay ng publiko sa kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao, pananagutan, at pangangalaga sa karapatang pantao.
“The traveling exhibit continues to serve as a memorial and educational platform, encouraging public reflection on human dignity, accountability, and the importance of safeguarding human rights.” Dagdag pa ng Program Paghilom.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng patuloy na misyon ng Program Paghilom na samahan ang mga pamilya ng mga biktima at panatilihing buhay sa kolektibong alaala ng bansa ang kanilang mga kuwento, ay binigyang diin din ng Program Paghilom na ang pag-alala ay mahalagang hakbang upang hindi na maulit ang karahasan at upang maisulong ang katotohanan, katarungan, at tunay na paghilom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 67,395 total reads

 67,395 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 170,901 total reads

 170,901 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 207,689 total reads

 207,689 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 238,264 total reads

 238,264 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 283,815 total reads

 283,815 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top