Anti-Manggagawa na kontrata, kinundena ng ACE-UP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,308 total reads

Kinundena ng Alliance of Contractual Employees in UP ang pamunuan ng University of the Philippines-Diliman sa bagong “anti-manggagawa” na kontrata.

Bilang pagtutol, nagsagawa ng kilos-protesta sa Quezon Hall ng UP sa Diliman, Quezon City ang ACE-UP, at pinunit ng mga kawaning kontraktwal at mga kaalyadong organisasyon ang itinuturing nilang anti-manggagawa na kontrata.

Iginiit ng ACE-UP na ang bagong kontrata ay naglalaman ng mga arbitraryo at makaisang-panig sa interes ng UP na lumalabag sa batayang karapatan ng mga kawaning kontraktwal.

Binigyan-diin ng ACE-UP na hindi makatao ang kontrata, walang proteksyon sa kanilang karapatan at walang kaakibat na benepisyo.

Nanawagan ang grupo kay pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa pamunuan ng UP na ibasura ang hindi makataong kontrata, wakasan na ang kontraktwalisasyon at buuin TWG on contractualization.

Kinuwestiyon ng ACE-UP ang OVPA Memorandum No. ACR 26-100 na epektibo mula JULY 01, 2026 hanggang DECEMBER 31, 2026 para sa mga kawaning COS kung saan ang kontrata na dating 3-pages ay naging 19-pages na walang konsultasyon at panahon na aralin ng mga apektadong manggagawa.

Tinuligsa din ng grupo ang mabilisan at puwersahang pagpapatupad ng hindi makataong kontrata ngUP-Accounting Department sa pamamagitan ng announcement na “no contract, no start of work”.

Ayon sa ACE-UP, hindi consistent ang provision ng kontrata sa mga nilalaman ng annexes kung saan makakasahod lamang ang mga kawaning contraktwal kung “payment shall be subject to the satisfactory completion, submission, review and acceptance of required deliverables”.

Inihayag ng grupo ang malinaw na paulit-ulit na pang-aabuso at kawalan ng seguridad sa trabaho ang umiiral sa contractualization na mismong ang pamahalaan ang nagtataguyod.

Naninindigan ang ACE-UP na patuloy ang kanilang laban para sa regularisasyon at tuluyan ng alisin ng UP ang contractualization system.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 16,954 total reads

 16,954 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 37,470 total reads

 37,470 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 139,403 total reads

 139,403 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 179,961 total reads

 179,961 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 200,415 total reads

 200,415 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 247,773 total reads

 247,773 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top