Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 233,184 total reads

Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa mga Pilipino sa gitna ng krisis sa enerhiya.

Isa na rito ay ang Republic Act No. 9136 na mas kilala bilang EPIRA o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001. Binago ng EPIRA ang balangkas ng power sector sa bansa. Kung dati ay kontrolado ito ng gobyerno, isinapribado  ang maraming bahagi ng sektor para bigyang-daan ang tinatawag na market competition. Maghihikayat daw ang privatization ng kompetisyon sa mga kompanya na magbubunga umano ng mas murang kuryente at mas maayos na paghahatid ng serbisyong ito. Pero 25 taon matapos itong isabatas, tila hindi pa rin natutupad ang layunin nitong gawing mas mura ang kuryente. Sa katunayan pa nga, pangatlo ang Pilipinas sa Asya na may pinakamataas na presyo ng kuryente, kasunod ng Singapore at Japan.

Bihira ang mga pribadong kompanyang hindi prayoridad ang kumita, kaya paano tayo makaaasang gagawin nilang abot-kaya ang serbisyong ininenegosyo nila? Layunin ng EPIRA na mapababa ang presyo ng kuryente sa pamamagitan ng market competition, pero kabaligtaran ang nangyayari. Walang kompetisyon; may iilang dambuhalang korporasyon ang namamayagpag sa industriya ng enerhiya, at nakokontrol nila ang presyo ng kuryente batay sa interes nila.

Kaya naman, mariing kinokontra ng maraming grupo ang pagsasapribado ng iba’t ibang public utilities, gaya ng Agus-Pulangi Hydroelectric Complex (o APHEC) sa Mindanao. 

Sa loob ng maraming dekada, napakahalaga ng papel ng APHEC sa pag-supply ng abot-kayang kuryente sa milyun-milyong Pilipino gamit ang renewable energy at sa pag-unlad ng ekonomiya sa Mindanao. Dahil luma na ang pasilidad at nangangailangan na ng rehabilitasyon, matagal nang usap-usapan ang pagsasapribado ng APHEC sa pamamagitan ng public-private partnership (o PPP) at iba pang pamamaraan. Sa ilalim ng PPP, ang gobyerno pa rin ang may-ari ng pasilidad, pero ang pribadong kompanya na ang mangunguna sa rehabilitasyon. Samakatuwid, ipapasa ang kontrol nito sa isang profit-driven na korporasyon. Giit ng ilang civil society organizations at maging ng lokal na Simbahan, hindi kailangang humantong sa pagsasapribado ang rehabilitasyon. Para mas maraming makaalam sa isyung ito, naglabas sila ng petisyon para labanan ang pagsasapribado ng APHEC. Nananawagan sila sa Kongreso at iba’t ibang ahensya ng gobyerno na huwag nang ituloy ang PPP.

Hindi kinokontra ng mga nasa likod ng petisyon ang rehabilitasyon at modernisasyon ng pasilidad, pero maaari naman daw itong isagawa nang hindi isinusuko ang kontrol ng publiko, sa pamamagitan ng gobyerno, para sa profit-driven na pamamalakad. Binigyang-diin din ng mga grupo ang pagpapahalaga sa transparency at public participation, lalo na ang pakikilahok ng mga maaapektuhang komunidad.

Suportado rin ng Diyosesis ng Iligan ang petisyon laban sa pagsasapribado sa APHEC. Sa isang pastoral letter, sinabi ni Bishop Jose Rapadas III na ang mga pangunahing serbisyo gaya ng kuryente ay dapat pamahalaan sa paraang nagsisilbi sa common good o kabutihang panlahat—hindi lamang sa pakinabang ng pribadong interes. Wika pa ng obispo, kapag ang pangunahing serbisyo ay itinuturing na commodity o produkto sa halip na kabutihang panlahat, ang mga mahihirap ang una at higit na nagdurusa.

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa Galacia 6:2 na “magtulungan [tayo] sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa,” suportahan natin ang panawagan ng mga kapatid natin sa Mindanao. Ipanawagan din natin ang makabuluhang pag-amyenda sa EPIRA upang baliktarin ang balangkas ng power sector na inuuna ang kità ng iilan. Gaya ng malinis na tubig at disenteng pabahay, ang abot-kayang enerhiya ay karapatan nating lahat. Kailangan natin ito upang umunlad at mabuhay nang may dignidad, kaya mahalagang ituring natin ang enerhiya na para sa kabutihang panlahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,587 total reads

 14,587 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,915 total reads

 16,915 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,520 total reads

 3,520 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,278 total reads

 85,278 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,503 total reads

 179,503 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,992 total reads

 239,992 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,720 total reads

 253,720 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,521 total reads

 3,521 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,279 total reads

 85,279 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,504 total reads

 179,504 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,993 total reads

 239,993 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top