Piliin ang landas ng liwanag,kabutihan at katotohanan, Paalala ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,235 total views

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya na manatiling nagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Ito ang mensahe ni Archbishop Brown sa closing of the pilgrimage season 2026 sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City.

Inihayag ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang Mahal na Birheng Maria ay nananatiling huwaran ng pananampalataya at ganap na pagtitiwala sa Diyos, matapos niyang tanggapin ang kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang tugon na, “Let it be done to me according to thy word.”

Ipinaalala rin ni Archbishop Brown na natatangi ang taong 2026 para sa dambana ng Antipolo dahil ginugunita nito ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng milagrosong imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje mula Mexico noong 1626, gayundin ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation nito noong 1926.

“Nothing will be impossible for God. Trust in God. Those are the words that Mary heard before she answered God’s call, and I am sure she repeats them to every pilgrim who comes here to Antipolo. She speaks those words with gentleness, love, and the closeness of a mother,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Brown

Ayon sa Arsobispo, tulad ng patuloy na pagharap ni Maria sa laban ng kabutihan laban sa kasamaan, tinatawagan din ang bawat Kristiyano na piliin ang panig ng liwanag, kabutihan, katotohanan, at kabanalan habang nagpapatuloy ang kanilang paglalakbay sa pananampalataya.

Sinabi ni Archbishop Brown na paulit-ulit na ipinapaalala ni Maria sa mga debotong dumudulog sa kanyang mapaghimalang imahe ang mensahe ng lubos na pagtitiwala sa Panginoon.
Binigyang-diin din ng Arsobispo na ang bawat mananampalataya ay inaanyayahang tularan ang pagsunod ni Maria sa kalooban ng Diyos at maging saksi ng kabutihan sa gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

“We have to be children of Mary under her protective mantle, fighting for what is right, fighting for what is good, fighting for what is beautiful, and rejecting evil, corruption, and sin in our lives as individuals and as a community,” bahagi pa ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang Closing of the Pilgrimage Season 2026 kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Kaparian ng Diocese of Antipolo sa pamamagitan ng solemn candlelight rosary procession sa nasasakupan ng Antipolo Cathedral na itinampok ang 60-imahen ng 60-parokya nang Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,211 total views

 10,211 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,562 total views

 38,562 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,292 total views

 106,292 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,443 total views

 129,443 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,901 total views

 198,901 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,089 total views

 7,089 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top