Ibahagi sa iba ang natutunang aral sa pilgrimage season 2026, paanyaya ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,218 total reads

Hindi nagwawakas sa pagtatapos ng Pilgrimage Season 2026 ng Diocese of Antipolo ang paglalakbay ng pananampalataya ng mga deboto sa Our Lady of Peace and Good Voyage.
Sa closing ng pilgrimage season 2026, hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na dalhin sa kanilang mga tahanan, pamayanan, at pang araw-araw na pamumuhay ang mga aral, panalangin, pagpapatawad, at pag-asa na kanilang naranasan sa paglalakbay sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage upang maranasan din ng iba ang pag-ibig at biyaya ng diyos.

“Nagtatapos na po, Hindi po ibig sabihin nito ay sarado na, Hindi po ibig sabihin nito ay hindi na puwedeng pumunta, ito pa ang simula, kung saan ay ilalakip natin dito ang ating mga natutunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Inihayag ng Obispo na ang bawat deboto ay tinatawagan na maging saksi ng kanilang karanasan sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang natanggap na biyaya sa kapwa at pag-akay sa iba na makiisa sa buhay ng Simbahan.

Lubos namang pinasalamatan ni Bishop Santos ang mga deboto, mga volunteer, at mga tumulong sa matagumpay na pagdaraos ng Pilgrimage Season, kabilang ang mga nag-alay ng kanilang panahon, kakayahan, at yaman upang maparangalan ang Mahal na Birheng Maria

“Tayo po ay babalik sa tao, sa ating bahay, sa ating bayan, upang sa ganoon, lahat ng ating naranasan, ang istorya ng ating paglalakbay, ang istorya ng ating Panginoon na nasa Sakramento, ang biyayang ating tinanggap, ang pagpapatawad na ating nasaksihan, at ang naramdamang kaligtasan na sumaatin ay ating ibabahagi, ating iaalay, at ating ihahandog sa ating kapwa,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Umaasa rin ang Obispo na patuloy na mararanasan ng bawat isa ang paggabay at pagpapala ng Birhen ng Antipolo, habang ipinapanalangin ang kapayapaan ng pamayanan at kaligtasan ng lahat sa kabila ng mga bantang kalamidad.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang Closing of the Pilgrimage Season 2026 kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Kaparian ng Diocese of Antipolo.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,994 total reads

 15,994 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,513 total reads

 5,513 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,149 total reads

 87,149 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,374 total reads

 181,374 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,864 total reads

 241,864 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,493 total reads

 255,493 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top