Laganap na corruption, hindi maaaring ipawalang bahala ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,965 total reads

Binigyang-diin ni Dipolog Bishop Emeritus Jose Manguiran na nananatiling malaking hamon sa bansa ang laganap na korapsyon kaya’t hinimok nito ang Simbahan na patuloy na maging tapat sa misyon nitong paglingkuran ang mahihirap at tumugon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.
Ito ang pagninilay ng obispo sa banal na misa sa makasaysayang St. John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental, isang araw bago ang pagbubukas ng ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“My brothers, we have a great challenge because the Philippines now is controlled by corruption,” ayon kay Bishop Manguiran.

Ayon sa 90-taong-gulang na obispo, hindi maaaring ipawalang-bahala ng Simbahan ang patuloy na paglaganap ng katiwalian, kasabay ng iba pang hamon tulad ng lumalawak na agwat ng mayaman at mahirap, globalisasyon, at lumalalang suliranin sa kalusugang pangkaisipan.

“Today, the poor become poorer, while the rich become richer and richer,” ayon kay Bishop Manguiran.

Tinukoy ng retiradong obispo na ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan ay higit pang nagpapabigat sa buhay ng maraming mamamayan dahil sa lumalawak na hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya at sa mga epekto ng iba’t ibang pandaigdigang suliranin.

Binigyang-diin din ni Bishop Manguiran ang kanyang pananaw hinggil sa epekto ng globalisasyon, na hindi lamang nakaaapekto sa ekonomiya kundi maging sa pag-iisip at kultura ng tao.

“Globalization has also been described by some writers as ideological colonization. During Spanish and American colonization, domination was geographical. Now, it is mental,” aniya.

Ayon sa obispo, unti-unting humihina ang kakayahan ng mga pamahalaan habang lumalakas ang impluwensiya ng malalaking transnational corporations sa pandaigdigang ekonomiya.

“There is now an interpretation, consistent with what Pope Francis has spoken about, that the nation-state is becoming weaker and weaker because transnational corporations increasingly control the economy and business throughout the world,” giit ng obispo.

Nagbabala rin si Bishop Manguiran sa impluwensiya ng makabagong teknolohiya, partikular ang information technology, na humuhubog sa pag-uugali ng tao tungo sa labis na pagkonsumo.

“Information technology changes the mentality of people. It teaches people to become consumers, buyers, onlookers, and cheerers,” saad ng obispo.

Kasabay nito, kinilala ni Bishop Manguiran ang lumalaking hamon sa kalusugang pangkaisipan, maging sa loob ng Simbahan.

“During our time, we emphasized IQ. Today, we must also emphasize EQ—Emotional Quotient. People today are emotionally disturbed. Priests are not exempt from this reality. We must respond to this challenge,” ayon pa sa obispo.

Pinaalalahanan din ng retiradong obispo ang kanyang mga kapwa obispo na ang tunay na pamumuno sa Simbahan ay dapat na nakaugat sa halimbawa ni Hesus na mapaglingkod.

Sinabi rin ni Bishop Manguiran na ang tunay na lakas ng Kristiyano ay nagmumula sa pakikipagkaisa kay Kristo, lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, na siyang pinagmumulan ng lakas upang maipagpatuloy ng Simbahan ang paglilingkod sa gitna ng mga hamon ng makabagong lipunan.

Itinuturing ang Jimenez Church bilang isa sa pinakamahalagang pamana ng Simbahang Katolika sa Mindanao.
Itinatag ang parokya noong 1829 ng mga Agustinian Recollect, habang ang kasalukuyang gusaling yari sa coral stone ay itinayo noong ika-19 na siglo.
Ang pagtitipon ng mga obispo sa makasaysayang simbahan ay nagbibigay-diin sa pagpapahalaga ng mga pastol sa mayamang pananampalataya at pamana ng Simbahan sa Pilipinas, kasabay ng kanilang pagninilay at paghahanda para sa ika-132 CBCP Plenary Assembly na isinasagawa mula July 8 hanggang 10 sa Amorap, Sinacaban, Misamis Occidental.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,071 total reads

 60,071 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,118 total reads

 139,118 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,563 total reads

 172,563 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,861 total reads

 207,861 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,958 total reads

 431,958 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top