Mananampalataya na bahagi ng SSPX, hindi itatakwil ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,504 total reads

Tiniyak ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. sa mga mananampalatayang naapektuhan ng kasalukuyang kalagayan ng Society of Saint Pius X (SSPX) na nananatili silang bahagi ng Simbahang Katolika kasabay ng panawagan sa pagkakaisa, pag-unawa, at pakikipagkasundo.

Sa kanyang pastoral letter, sinabi ng obispo na bagama’t nasa mahirap na sitwasyong espirituwal ang ilang mga mananampalataya na dumadalo sa mga liturhiya ng SSPX, hindi sila itinatakwil ng Simbahan.

“I want to assure you that in these moments of great spiritual difficulty, you remain part of the Catholic Church and you will always have a place in the local church of Cubao,” ayon kay Bishop Ayuban.

Ipinaliwanag ni Bishop Ayuban ang naging epekto ng kautusan at paliwanag ng Dicastery for the Doctrine of the Faith kaugnay ng SSPX, kung saan binigyang-diin na ang mga obispo at pari ng samahan ang naglagay sa kanilang sarili sa hiwalay na kalagayan mula sa ganap na pakikipagkaisa sa Simbahan.

Kaugnay nito, sinabi niyang iligal ang pagdiriwang ng kanilang mga sakramento, at walang bisa ang mga sakramento ng kumpisal at kasal na kanilang ipinagkakaloob.

Hinimok ng obispo ang mga pari, relihiyoso, at mga layko ng Diocese of Cubao na tanggapin nang may malasakit ang mga mananampalatayang naapektado.

“I urge the clergy and the faithful of the Diocese of Cubao to welcome them with charity, understanding, and patience. Through preaching and catechism, may we avoid condemnation but approach the matter with pastoral tact and sensitivity,” giit ng obispo.

Inihayag din ni Bishop Ayuban na bubuo ang diyosesis ng pangkat ng mga pari at layko na magbibigay ng wastong impormasyon, paggabay, at pastoral na tulong sa mga dating nakikibahagi sa SSPX.

Bukod dito, tiniyak niyang magpapatuloy ang pagdiriwang ng Misa ayon sa 1962 Roman Missal o Traditional Latin Mass sa loob ng diyosesis, at pag-aaralan pa ang pagdaragdag ng mga lugar ng pagdiriwang nito upang higit na mapagsilbihan ang mga deboto, alinsunod sa mga itinakda ng Traditionis Custodes.

Apela ni Bishop Ayuban sa mga mananampalataya na pairalin ang maingat na paggabay, malinaw na pagtuturo ng pananampalataya, at pagkakapatiran habang nananatiling tapat kay Kristo at sa Simbahan. Hinikayat din nito ang mga mananampalataya na ipanalangin si Pope Leo XIV at, higit sa lahat, isulong ang pagkakaisa.

“Let us act with pastoral prudence, doctrinal clarity, and brotherly charity. We renew our fidelity to Christ and the Church and pray for Pope Leo XIV, whom the Lord has set over his flock as shepherd and guardian of the unity of the Church. Most importantly, let us fervently pray for unity.”

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,394 total reads

 16,394 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,094 total reads

 6,094 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,699 total reads

 87,699 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,924 total reads

 181,924 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,414 total reads

 242,414 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,005 total reads

 256,005 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,774 total reads

 34,774 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top