Bantayan ang presyo ng bilihin at serbisyo, panawagan ng economic analyst sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,968 total reads

Nanawagan ang economic analyst na si Eric Estrabo ng Publicus Asia, Inc. sa pamahalaan na patuloy na bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado sa gitna ng bahagyang pagbagal ng inflation rate sa bansa noong buwan ng Hunyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Estrabo na ang naitalang 6.4 porsiyentong inflation rate ay hindi nangangahulugang bumaba ang presyo ng mga bilihin kundi bumagal lamang ang bilis ng pagtaas nito.

Ayon sa economic analyst, tanging ang pagbagal lamang sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado ang magagawa ng pamahalaan sapagkat sadyang hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil pa rin sa epekto ng nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

“Ang sinasabi lang naman ng numero ay bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin yun talaga ang pinipigilan ng ating gobyerno, yung bumagal yung pagtaas kasi yung pagtaas [ng presyo] ay hindi naman maiiwasan dahil nga ito yung after effects ng giyera sa Middle East so ang kailangan talaga ng gobyerno ay pagtuunan ng pansin yung pagbabantay sa ating mga basic neccesities” Bahagi ng pahayag ni Estrabo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Estrabo, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapatatag ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, lalo na ang pagkain, na nananatiling pangunahing dahilan ng inflation.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagpapabuti sa transportasyon, logistics, at sektor ng enerhiya dahil sa malaki ang epekto ng mga ito sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Umaasa rin si Estrabo na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, dahil makatutulong ito upang maging mas matatag ang pandaigdigang presyo ng langis.

“Kapag may certainty tayo sa nangyayari sa Middle East, magiging mas tiyak din ang market prices ng oil sa world market. Kapag walang katiyakan, tiyak na maaapektuhan tayo ng pagtaas ng presyo ng krudo at maging ng mga bilihin,” Dagdag pa ni Estrabo.

Nauna nang iniulat ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang pagbagal ng inflation rate noong buwan ng Hunyo, bagama’t nananatili pa ring hamon sa maraming pamilyang Pilipino ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,160 total reads

 233,160 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,891 total reads

 264,891 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,715 total reads

 366,715 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,278 total reads

 407,278 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,313 total reads

 418,313 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top