Siyentipiko at legal na pamamahala sa mga punongkahoy, mahalaga sa “tree pruning”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,363 total reads

Iginiit ng Save the Trees Coalition (STC) ang kahalagahan ng siyentipiko at legal na pamamahala sa mga puno matapos nitong madokumento ang isang nighttime tree topping operation sa isang matandang puno ng Acacia sa kahabaan ng MacArthur Highway sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa koalisyon, namataan noong July 2 ang mga tauhan ng City Public Order and Safety Coordinating Office (CPOSCO) na nag-aalis ng malalaking sanga ng puno, na isinagawa bilang tugon sa mga reklamong natanggap mula sa publiko.

Bagama’t kinilala ng kanilang registered professional forester ng STC na mapanganib na ang kondisyon ng puno dahil sa matinding pagkabulok, iginiit ng grupo na ang anumang pruning o pagputol ng puno ay dapat nakabatay sa siyentipikong pagsusuri, wastong dokumentasyon, at pagsunod sa umiiral na batas.

“Public complaints should trigger professional inspection—not automatically justify tree pruning or removal,” pahayag ng Save the Trees Coalition.

Inihayag din ng grupo na walang naipakitang tree-cutting permit mula sa Department of Environment and Natural Resources–Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) habang isinasagawa ang kanilang pagdodokumento sa lugar.

Dahil dito, nanawagan ang STC sa pamahalaang lungsod na isabatas ang paggamit ng science-based Tree Risk Assessment (TRA) at malinaw na standard operating procedures sa pamamahala ng mga puno sa mga lansangan.

“Saving trees does not mean preserving every tree regardless of condition. It means ensuring that decisions affecting our urban trees are evidence-based, professionally justified, legally compliant, and made with the safety of the community in mind,” giit ng STC.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na tungkulin at mahalagang bahagi ng pagsusulong ng kabutihang panlahat

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 101,653 total reads

 101,653 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 152,018 total reads

 152,018 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 280,439 total reads

 280,439 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 365,825 total reads

 365,825 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 424,189 total reads

 424,189 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 229,952 total reads

 229,952 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top