Bantayan ang presyo ng bilihin at serbisyo, panawagan ng economic analyst sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,698 total reads

Nanawagan ang economic analyst na si Eric Estrabo ng Publicus Asia, Inc. sa pamahalaan na patuloy na bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado sa gitna ng bahagyang pagbagal ng inflation rate sa bansa noong buwan ng Hunyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Estrabo na ang naitalang 6.4 porsiyentong inflation rate ay hindi nangangahulugang bumaba ang presyo ng mga bilihin kundi bumagal lamang ang bilis ng pagtaas nito.

Ayon sa economic analyst, tanging ang pagbagal lamang sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado ang magagawa ng pamahalaan sapagkat sadyang hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil pa rin sa epekto ng nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

“Ang sinasabi lang naman ng numero ay bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin yun talaga ang pinipigilan ng ating gobyerno, yung bumagal yung pagtaas kasi yung pagtaas [ng presyo] ay hindi naman maiiwasan dahil nga ito yung after effects ng giyera sa Middle East so ang kailangan talaga ng gobyerno ay pagtuunan ng pansin yung pagbabantay sa ating mga basic neccesities” Bahagi ng pahayag ni Estrabo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Estrabo, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapatatag ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, lalo na ang pagkain, na nananatiling pangunahing dahilan ng inflation.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagpapabuti sa transportasyon, logistics, at sektor ng enerhiya dahil sa malaki ang epekto ng mga ito sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Umaasa rin si Estrabo na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, dahil makatutulong ito upang maging mas matatag ang pandaigdigang presyo ng langis.

“Kapag may certainty tayo sa nangyayari sa Middle East, magiging mas tiyak din ang market prices ng oil sa world market. Kapag walang katiyakan, tiyak na maaapektuhan tayo ng pagtaas ng presyo ng krudo at maging ng mga bilihin,” Dagdag pa ni Estrabo.

Nauna nang iniulat ng Philippine Statistics Authority ang bahagyang pagbagal ng inflation rate noong buwan ng Hunyo, bagama’t nananatili pa ring hamon sa maraming pamilyang Pilipino ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa merkado.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,939 total reads

 15,939 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,460 total reads

 5,460 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,099 total reads

 87,099 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,324 total reads

 181,324 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,814 total reads

 241,814 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,444 total reads

 255,444 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,941 total reads

 15,941 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,818 total reads

 17,818 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top