Isang “himala” ang pagdalaw ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe-Archbishop Jumoad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 253 total views

Inilarawan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na isang “himala” ang pagdalaw ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe dahil pinagbubuklod nito ang iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa panayam ng Radyo Veritas sa farewell mass ng pilgrim image sa Holy Child Parish sa Clarin, Misamis Occidental, sinabi ng arsobispo na ang presensya ng Ina ng Diyos ay nagiging daan upang manaig ang pagkakaisa ng sambayanan.

“Whenever the Mother comes, the miracle happens because she can unite our people—the politicians, the poor, everyone,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Sinabi ng arsobispo na ang pagdalaw ng Mahal na Birhen ay hindi lamang isang pagdiriwang ng debosyon kundi isang paanyaya rin sa mga mananampalataya na magbuklod bilang isang sambayanan sa ilalim ng Diyos.

“I am always happy whenever the Blessed Mother visits our place, because it means she wants people to be united, to be one. Because when we are one, we can pray to God, and many blessings will come to our families,” giit ng arsobispo.

Hinimok din ng arsobispo ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pananalangin at higit pang palalimin ang ugnayan sa Panginoon, na siyang pangunahing hangarin ng Mahal na Birheng Maria para sa kanyang mga anak.

“Let us continue to pray because prayer will make us strong. Let us continue to approach the Lord because this is what the Blessed Mother, our Mother, wants,” saad ni Archbishop Jumoad.
Binigyang-diin pa ni Archbishop Jumoad na ang tunay na debosyon sa Mahal na Birhen ay dapat humantong sa mas malalim na pagsunod kay Hesus, ayon sa mensahe ng Mahal na Ina: ‘Do whatever He tells you.’

Nagpasalamat ang arsobispo sa mga debotong patuloy na nagpapakita ng kanilang pananampalataya at pakikiisa sa pagbisita ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa Arkidiyosesis ng Ozamiz mula July 6 hanggang 8.

Itinuring ni Archbishop Jumoad na malaking biyaya para sa kristiyanong pamayanan sa arkidiyosesis ang pagdalaw ng pilgrim image lalo’t kasabay ito ng pagtitipon ng mga obispo para sa ika-132 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Patuloy ang paglalakbay ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa iba’t ibang diyosesis sa bansa bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng aparisyon ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa Tepeyac, Mexico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 20,224 total views

 20,224 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 50,447 total views

 50,447 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 77,098 total views

 77,098 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 172,071 total views

 172,071 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 192,003 total views

 192,003 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top