Mananampalataya, inaanyayahan sa kapistahan ni San Benito de Nursia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,492 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng St. Benedict Parish Quezon City ang mga mananampalataya na makibahagi sa Solemn Pontifical Mass bilang tampok na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Benito de Nursia sa Hulyo 11, 2026.

Sa programang Barangay Simbayanan, inihayag ni Rev. Fr. Reynaldo Tano, MGL – Parish Priest ng St. Benedict Parish sa Quezon City ang mga nakahanay na gawain para sa nakatakdang kapistahan.

Ayon sa Pari, isasagawa ang Solemn Pontifical Mass ganap na alas-10 ng umaga na pangungunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, D.D.
Pagbabahagi ni Fr. Tano, ang pagdiriwang ay pagkakataon upang magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at sama-samang pagpupugay kay San Benito de Nursia, ang patron ng pamayanan.

Inihayag rin ng Pari ang pagiging isang mabuting halimbawa ni San Benito sa pagiging ‘hospitable’ na bukas sa pagtanggap sa bawat isa ng walang pinipili o isinasantabing sinuman.

“To become hospitable po siguro yun po ang itinuturo ni Saint Benedict sa akin na as a priest you must be welcoming hindi lamang sa mga taong gusto mo kundi kahit yung mga taong hindi mo gusto kasi they are also image and likeness of God.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Tano sa Radyo Veritas.

Inaasahan ding magsisilbing pagkakataon ang kapistahan upang higit na mapalalim ang pananampalataya ng mga mananampalataya at mapatatag ang kanilang pagtugon sa misyon bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ayon kay Fr. Tano, dalangin ng parokya na ang pagdiriwang ay maging daan sa higit na pagkakaisa ng sambayanan at magsilbing paalala ng patuloy na paggabay at pamamagitan ni San Benito de Nursia sa lahat ng deboto at mananampalataya.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,938 total reads

 15,938 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,459 total reads

 5,459 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,098 total reads

 87,098 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,323 total reads

 181,323 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,813 total reads

 241,813 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,443 total reads

 255,443 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,940 total reads

 15,940 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,817 total reads

 17,817 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top