Kalikasan, isang kaibigan at kapatid na dapat mahalin at ipagtanggol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,293 total reads

Hindi lamang isang bagay na maaaring gamitin o pagsamantalahan ang kalikasan, kundi isang kaibigan at kapatid na dapat mahalin, igalang, at ipagtanggol.
Ito ang pagninilay ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Order of Friars Minor (OFM) Province of San Pedro Bautista – Philippines, sa kanyang pangunguna sa “Laudato Si’: Prayer in Union with Creation” bilang panalangin sa pagsisimula ng ikalawang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Iniugnay ni Fr. Redoblado ang panalangin para sa sangnilikha sa tema ng PCNE XII na “Sangkay: I have called you friends,” kung saan binigyang-diin niya na ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang para sa kapwa tao kundi maging sa buong nilikha ng Diyos.

Ayon sa paring Franciscano, itinuro ni San Francisco ng Assisi na ang kalikasan ay hindi lamang bagay na nakapaligid sa tao kundi bahagi ng isang ugnayan na dapat pangalagaan bilang kapatid.

“Creation is not an object to be used. It is a brother, a sister, a friend—a sangkáy. Ito ang hamon sa atin. Ang lahat ng bagay ay magkaugnay… We are related. We are connected.” pahayag ni Fr. Redoblado.

Ipinaliwanag niya na ang diwa ng Laudato Si’ ay nakaugat sa pagkilala na ang lahat ng nilikha ay nagmumula sa Diyos at ang tao ay tinawag upang maging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Ibinahagi rin ng pari ang karanasan ng mga tagapangalaga ng Masungi Georeserve na tumitingin sa kalikasan bilang pamilya, na nagpapakita ng mas malalim na kahulugan ng panawagan ni San Francisco na kilalanin ang sangnilikha bilang kapatid.

Inihalimbawa rin ni Fr. Redoblado ang paninindigan ng lider-katutubo na si Macli-ing Dulag laban sa Chico Dam Project sa Cordillera upang ipakita ang pananaw ng mga katutubo na hindi pagmamay-ari ng tao ang lupa, kundi ang tao ang bahagi ng lupa.

“We belong to the earth. The earth was here before we came, and it will remain long after we die,” ayon kay Fr. Redoblado.

Binigyang-diin ng paring Franciscano na ang Laudato Si’ ay isang tawag sa ugnayan, pagdiriwang, at misyon upang pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan, lalo na sa harap ng patuloy na pagkasira ng kalikasan na higit na nakaaapekto sa mahihirap at mga katutubong komunidad.

Aniya, ang tunay na pagmamahal sa kalikasan ang nagtutulak sa tao upang ito ay pangalagaan at hindi pagsamantalahan.

“Kung mahal mo ang kalikasan—kung sangkáy mo ito—natural mo itong ipagtatanggol. Kapag nawawala ang ating sense of wonder and awe, nakakalimutan natin na ang lahat ng ito ay nilikha ng Diyos. Then we begin to exploit even our brothers and sisters instead of celebrating them,” saad ni Fr. Redoblado.

Dagdag niya, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng mga tagapagtanggol ng kalikasan kundi isang mahalagang bahagi ng pagiging alagad ni Kristo.

“For in the end, we protect creation not because it is useful to us, but because it is God’s beloved creation entrusted to us by Christ, our Brother, our Friend, who now calls us to become friends of His creation,” pagtatapos ni Fr. Redoblado.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,817 total reads

 8,817 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,488 total reads

 63,488 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,853 total reads

 148,853 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,590 total reads

 195,590 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,462 total reads

 243,462 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,293 total reads

 344,293 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,190 total reads

 170,190 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top