Iwaksi ang konsumerismo, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,393 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na iwaksi ang konsumerismo at muling tuklasin ang tunay na kayamanan na matatagpuan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, kasabay ng kanyang panawagan para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan at pagkilala sa dignidad ng bawat tao.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo noong July 26, binigyang-diin ng Santo Papa na ang tunay na pagsunod kay Hesukristo ay hindi naglilimita sa buhay kundi nagbubukas ng mas malawak na pag-asa at mas malawak na layunin.

“Encountering his Kingdom marks a turning point that does not limit life but enlarges it. If anything must change on our part, it is only so that our lives may be opened to greater possibilities, not fewer,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang Kaharian ng Diyos ay bukas para sa lahat, anuman ang kalagayan at antas ng buhay.

“The Kingdom of God reveals its inestimable beauty in different ways, but calls everyone — men and women, young and old, rich and poor — to a profound renewal,” aniya.

Binigyang-diin din ng punong pastol na ang Simbahan ay isang pamayanang pinagbuklod ni Kristo ang mga mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, kultura at tradisyon.

Nagbabala ang Santo Papa laban sa kultura ng labis na pagkonsumo na aniya’y naglalayo sa tao sa tunay na kaligayahan.
“While the consumer culture influences our tastes, constantly creating new needs only to sell us solutions that never satisfy, and that sometimes even poison the heart, we must learn to grasp what truly matters: the treasure of a relationship with God that opens us to joy and helps us to live our relationships with one another more fully,” giit ni Pope Leo XIV.

Hinikayat din ng Santo Papa ang mga Kristiyano na hingin sa Diyos ang biyaya ng pagkilala sa tunay na kayamanang higit sa anumang materyal na bagay.
Sa kanyang mensahe matapos ang Angelus, lubhang nababahala si Pope Leo XIV sa lumalalang karahasan sa Middle East at muling nanawagan ng mapayapang paglutas ng mga sigalot.
“I make a heartfelt appeal for a return to negotiations to achieve a just political solution, founded on the equal dignity and equal rights of every human person,” ayon sa Santo Papa.

Hinimok din nito ang lahat ng panig na wakasan ang karahasan at bigyang-daan ang diplomasya.

“From the depths of my heart, I exhort all parties involved to suspend the attacks and urgently reopen paths of dialogue and diplomacy, so that the longed-for peace for the entire region may be achieved without delay,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan ang Santo Papa na igalang ang kabanalan ng mga banal na lugar ng iba’t ibang relihiyon.
Dalangin ni Pope Leo na hipuin ng Panginoon ang puso ng mga namumuno sa mga bansa upang manaig ang pagkakasundo at kapayapaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,830 total reads

 8,830 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,501 total reads

 63,501 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,866 total reads

 148,866 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,603 total reads

 195,603 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,475 total reads

 243,475 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,306 total reads

 344,306 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top