Archdiocese of Nueva Segovia, umaapela ng tulong sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,663 total reads

Umapela ng tulong pinansyal ang Archdiocese of Nueva Segovia sa Caritas Manila para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng Bagyong Maymay at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat sa Ilocos Sur.

Ibinahagi ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton C.T. Pascual ang lawak ng pinsala na naidulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge sa lalawigan.

Ayon sa ulat ni Archbishop Antonio, batay sa paunang datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Parish Social Action Coordinators, 4,192 pamilya o 12,641 indibidwal ang malubhang naapektuhan ng kalamidad.

Naitala rin ang 26 na partially damaged houses at isang totally damaged na bahay, partikular sa ilang komunidad sa southwestern portion ng Ilocos Sur.

Dahil dito, umapela ng tulong pinansyal ang Arsobispo sa Caritas Manila upang matulungan ang mga apektadong komunidad na makabangon mula sa pinsala.

“We heartily ask your good office for financial assistance to help the affected communities and be an instrument of God’s love, mercy, and compassion,” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Antonio.

Bukod sa tulong pinansyal, hiniling din ng Arsobispo ang patuloy na panalangin para sa mga residenteng nakararanas ng takot at pangamba dahil sa epekto ng bagyo at Habagat.

“May we also ask for your fervent prayers, that the people of Ilocos Sur and other provinces as well may overcome their fears and uncertainties,” Apela ni Archbishop Antonio.

Nanawagan din ang Arsobispo ng pananalig at katatagan sa mga pamilyang naapektuhan, habang patuloy na tumutugon ang Simbahan sa kanilang mga pangangailangan.

Sa panahon ng kalamidad, muling ipinakikita ng mga pagkilos ng mga diocesan social action ministry at Caritas network ang panawagan ng Simbahan na ang pagmamahal sa Diyos ay ganap na naisasabuhay sa pamamagitan ng konkretong pagtulong, pakikiisa at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 13,312 total reads

 13,312 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 98,717 total reads

 98,717 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 162,560 total reads

 162,560 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 251,065 total reads

 251,065 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 333,516 total reads

 333,516 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top