Diocese of Tarlac, nanawagan ng relief assistance sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,330 total reads

Nanawagan ng tulong partikular ng emergency relief assistance ang Caritas Tarlac sa Caritas Manila para sa mga pamilyang Aeta sa Sitio Tala, Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac na nahaharap sa kakulangan sa pagkain dahil sa patuloy na pag-ulan.

Ipinaabot ni Caritas Tarlac Executive Director Rev. Fr. Randy M. Salunga kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton C.T. Pascual ang matinding epekto ng ilang linggong pag-ulan sa kabuhayan ng mga katutubong pamilya sa lugar.

Ayon kay Fr. Salunga, hindi makapaghanapbuhay at makapagsaka ang mga residente dahil sa masamang panahon at mapanganib na kondisyon, dahilan upang mawalan sila ng agarang pinagkukunan ng pagkain.

Partikular na humingi ng tulong ang Caritas Tarlac para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente tulad ng food packs o relief goods, kabilang ang bigas, de-lata at iba pang pangunahing pagkain.

“Due to the inclement weather and dangerous conditions, these families have been completely unable to engage in their daily livelihood and farm work. Consequently, they are currently facing critical food shortages and have no immediate source of food to eat.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Salunga.

Pagbabahagi ng Pari, hindi bababa sa 100 pamilyang Aeta sa Sitio Tala ang apektado ng masamang panahon na agarang nangangailangan ng tulong.
Nagpasalamat din si Fr. Salunga sa patuloy na suporta ng Caritas Manila sa mga komunidad na dumaranas ng sakuna at krisis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Thank you for always being there for us whenever our diocese and communities face adversity. Your unwavering brotherhood, constant generosity, and swift compassion have always been a pillar of strength for Caritas Tarlac.” Dagdag pa ni Fr. Salunga.

Samantala, muli ring ibinahagi ng Pari ang mahalagang papel ng Caritas network ng Simbahan sa pagtugon sa kagyat na pangangailangan ng mga mahihirap at higit na apektado ng kalamidad, hindi lamang sa pagbibigay ng pinansyal at materyal na tulong kundi sa pagiging konkretong tanda ng pagkakapatiran, malasakit at pag-asa sa panahon ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 13,862 total reads

 13,862 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 99,267 total reads

 99,267 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 163,110 total reads

 163,110 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 251,584 total reads

 251,584 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 333,994 total reads

 333,994 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top