Dapat mas mabigat ang pananagutan sa paggamit ng confidential fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,228 total reads

Binigyang-diin ni dating Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza na dapat mas mahigpit ang pananagutan sa paggamit ng confidential at intelligence funds, lalo na dahil nauuna nang naibibigay ang pera bago pa maisumite ang mga dokumento para sa liquidation.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Mendoza ang katangian ng iba’t ibang uri ng audit ng COA at ang usapin ng pananagutan kaugnay ng ₱73-milyong disallowed funds na kinasasangkutan ng Office of the Vice President.

Ayon kay Mendoza, hindi lahat ng audit ng COA ay nakatuon sa pagsasampa ng kaso. May mga audit na layuning mapabuti ang internal controls at operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, habang ang mga usapin ng posibleng pandaraya ay maaaring sumailalim sa fraud audit.

“So iba-iba ho ‘yung types of audit at saka siyempre, nag-eevolve po ‘yung ano, dahil napakadami ng functions, napakaselan ng tungkulin, pero kokonti ang tao.” Bahagi ng pahayag ni Mendoza.

Nilinaw rin niyang hindi COA ang nagsasampa ng kaso, kundi ang Office of the Ombudsman, bagama’t maaaring magrekomenda ang COA ng pagsasampa ng kaukulang kaso batay sa kanilang audit findings.

Partikular na binigyang-diin ni Mendoza ang kakaibang katangian ng confidential funds kumpara sa regular na pondo ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ng dating opisyal na sa regular na pondo, karaniwang kailangang may resibo, invoice o kontrata bago maisagawa ang pagbabayad, ngunit sa pagdating sa confidential funds nauunang ibinibigay ang cash advance, kaya mas mabigat ang kinakailangang pananagutan sa paggamit nito.

“Binigyan ka na ng pera bago ka pa hingan ng resibo dito, ‘di po ba, ‘Yun po ‘yung approach ng confidential. So natural naman po na magbigay ng resibo at maipaliwanag. Ngayon, tatapatin ko po kayo na sabihin na hindi lang ito issue ng pagsu-submit lang ng resibo, ano. Ay, ang tagal na ho ng panahon na bigyan sila ng pagkakataong gawin ‘yan, ay hindi nga ho nagawa.” Dagdag pa ni Mendoza.

Kinuwestiyon din ni Mendoza ang paggamit ng confidential funds para sa mga gastusing hindi malinaw ang kaugnayan sa aktuwal na confidential activities kung saan bagama’t maaari aniyang kabilang sa pinapayagang paggamit ang purchase of information, kailangan pa ring maipakita ang malinaw na koneksyon nito sa mandato at layunin ng confidential activities.

Binigyang-diin ni Mendoza na ang Joint Circular 2015-01 ay naglalagay ng mga panuntunan sa paggamit ng confidential at intelligence funds at nagsisilbing bahagi ng internal control upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.

“Ang nature ng confidential and intelligence funds is so ano, na para bang ang tawag natin ay dapat mabigat ang hinihingi nating pananagutan dahil pinauna mo na ‘yung pera eh,” Ayon kay Mendoza.

Sa usapin naman ng paglilipat ng cash advance sa ibang tao, sinabi ni Mendoza na malinaw ang mga patakaran na hindi basta maaaring ilipat ang pananagutan sa paggamit ng confidential funds.

“Hindi naman po pwedeng too flexible to the extent na mag-sacrifice ’yung accountability.” Ani ni Mendoza.

Ayon kay Mendoza, mahalaga ang balanse sa pagitan ng flexibility na kinakailangan sa sensitibong operasyon at ng pananagutang dapat kaakibat ng paggamit ng pampublikong pondo.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalaga ang ganitong pananagutan dahil ang pampublikong pondo ay pera ng sambayanan at dapat gamitin nang may integridad, transparency at malasakit sa common good, kaya naman sadyang kinakailangan ang wastong pamamahala sa yaman ng bayan na bahagi ng moral na pananagutan ng bawat lingkod-bayan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,180 total reads

 42,180 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,619 total reads

 38,619 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,206 total reads

 73,206 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,026 total reads

 175,026 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,588 total reads

 215,588 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,596 total reads

 234,596 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,181 total reads

 42,181 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top