Mandato na protektahan ang bansa, tiniyak ng Philippine Navy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total reads

Tiniyak ng Philippine Navy na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mandato ng Armed Forces of the Philippines na protektahan ang teritoryo ng bansa, sa kabila ng anumang usapin sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng Ayungin Shoal.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Affairs Rear Admiral Roy Trinidad na hindi kailangan ng anumang pahintulot ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa ibang bansa upang magsagawa ng patrol at iba pang operasyon sa sariling karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay Trinidad, walang kinalaman sa anumang kasunduan ang mandato ng AFP na tiyakin ang seguridad at protektahan and soberenya ng bansa.

“Hindi po natin kailangan ng kahit anumang usapin for us to be able to perform our mandate of securing and protecting our territory. So bahala sila kung mayroon silang usapan doon; we don’t care about that, wala po kaming kinalaman diyan. Sa amin is we just keep performing our mandate. Hindi po natin kailangang magpaalam sa kahit sinumang foreign power to be able to patrol our seas.” Bahagi ng pahayag ni Trinidad sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Trinidad na matagal nang ginagampanan ng AFP ang tungkuling protektahan ang teritoryo ng bansa, na nakabatay ito sa domestic at international law.

Binigyang-diin din ng opisyal na walang alam ang Philippine Navy sa anumang kasunduang maglilimita sa operasyon ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“Walang agreement that would restrict our performance of our mandate in securing and protecting Second Thomas Shoal, ng Ayungin Shoal.” Dagdag pa ni Trinidad.

Samantala, sinabi ni Trinidad na ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga tauhan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ay nagpapakita ng mga hamong kinakaharap ng AFP sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Kabilang dito ang insidenteng may dalawang sundalong nasugatan, na ayon kay Trinidad ay resulta ng tinawag niyang “coercive and aggressive action” laban sa mga tauhang nagsasagawa ng kanilang tungkulin sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas.

Gayunman, tiniyak ni Trinidad na nananatiling propesyonal ang mga tauhan ng AFP at sinusunod ang rules of engagement upang maiwasang lumala ang anumang insidente.

“It’s because of the professionalism of the members of the AFP na may mga rules of engagement tayong sinusunod na how to handle situations like this para hindi mag-further escalate.” Ani Trinidad.

Samantala, ipinaubaya naman ni Trinidad sa Department of Foreign Affairs ang pagbibigay-linaw sa anumang kasunduan o usaping diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at China, habang iginiit na magpapatuloy ang AFP sa tungkuling protektahan ang soberanya at teritoryo ng bansa sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 50,382 total reads

 50,382 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 87,172 total reads

 87,172 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 120,012 total reads

 120,012 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 171,094 total reads

 171,094 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 232,722 total reads

 232,722 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top