Every Sunday ay Easter, paalala ng Rector ng Pontificio Collegio Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,650 total reads

Ipinaalala ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang kahalagahan ng Banal na Misa tuwing Linggo bilang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Sa kaniyang update sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Fr. Gaston na siya rin Vatican Correspondent ng Radio Veritas, na ang pagdiriwang ng Easter ay hindi lamang tuwing Semana Santa o Easter Sunday dahil “every Sunday ay Easter” o bawat Linggo ay pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Pari, ito rin ang binigyang-diin ni Pope Leo XIV sa kaniyang paksa hinggil sa Sacrosanctum Concilium ng Second Vatican Council, partikular sa kahalagahan ng pagdalo sa Sunday Mass.

“Pinag-usapan niya ang isang document pa rin ng Vatican II, Sacrosanctum Concilium, at nag-focus siya sa Sunday Mass. Sunday Mass. Ano ba ‘yung ginagawa natin sa misa? We celebrate Easter. ‘Yung pagpapasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Passion, death, and resurrection. Ito ‘yung Easter na sine-celebrate hindi lang nung Holy Week, after ng Holy Week, Easter Sunday. Hindi lang nung Easter Octave, every Sunday ay Easter.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, hinihimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya, kabilang ang mga nagtatrabaho tuwing Linggo, na humanap ng paraan upang makadalo sa Misa at mapanatili ang Linggo bilang araw para sa Diyos at pamilya.

Nilinaw din ng Pari na iba ang online Mass kumpara sa pagdalo ng personal sa banal na misa sa Simbahan sapagkat nakalaan ang online Mass para sa mga may karamdaman o hindi makadalo nang personal sa Simbahan.

“Kaya ‘yan sabi ni Pope Leo na kung sana lahat, kahit ‘yung mga nagtatrabaho, sana kahit may trabaho Sunday, sana may paraan na ma-schedule, na makapag-misa pa rin, makapagsimba pa rin sila ‘pag Sunday. At iba po ‘yung online masses para ‘yan sa mga may sakit, sa mga hindi makapunta ng Sunday sa simbahan.” ani Fr. Gaston.

Samantala, ipinaalala rin ni Fr. Gaston ang kahulugan at diwa ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria o Assumption of Our Lady na ipinagdiriwang tuwing Agosto 15, 2026.

Ayon sa Pari, ang Assumption ay ang paniniwalang si Maria ay iniakyat sa langit taglay ang katawan at kaluluwa, at ito ang ika-apat na Misteryo ng Luwalhati ng Santo Rosaryo.

Ipinaliwanag din ni Fr. Gaston na kaugnay nito ang Immaculate Conception, kung saan si Maria ay ipinaglihi nang walang bahid ng original sin dahil sa biyayang nagmumula sa pagliligtas ni Kristo.

Sa huli, hinikayat ni Fr. Gaston ang mga mananampalataya na gawing tunay na araw ng Panginoon at pamilya ang bawat Linggo, sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Banal na Misa at paglapit sa Diyos hindi lamang sa tuwing may mga problema kundi maging sa pang-araw-araw.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,443 total reads

 45,443 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 43,768 total reads

 43,768 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 78,032 total reads

 78,032 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 179,857 total reads

 179,857 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 220,414 total reads

 220,414 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 239,212 total reads

 239,212 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 45,444 total reads

 45,444 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top