National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs, bubuuin ng CBCP-ECEA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,711 total reads

Bubuo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Ecumenical Affairs ng National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs bilang bahagi ng pagsusulong ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyanong pamayanan sa bansa.

Sa panayam sa program Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Francis Protacio S. Cortez III ng Diocese of Malolos at CBCP Episcopal Commission on Ecumenical Affairs – National Coordinator for Liturgy, na bubuuin ang national coordinating council ng 20 miyembro na itatalaga sa Agosto 24, 2026.

Kabilang dito ang mga coordinator para sa formation, liturgy, at pakikipag-ugnayan sa mga diyosesis at arkidiyosesis na may kani-kanilang tanggapan o komisyon para sa ecumenical affairs.

Ipinaliwanag ni Fr. Cortez na ang hakbang ay ganap na pagsasabuhay sa diwa ng Second Vatican Council at sa panawagan ng Simbahan para sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

“Ito ay pagsasabuhay natin sa Konsilyo Vaticano II na kung saan ay ‘yung aggiornamento na ating tinatawag na kung saan ay talagang ito ‘yung pagbubukas ng pinto at ng mga bintana ng simbahan para nang sa ganoon ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga lider Kristiyano at ang pamayanan ng Kristiyano na ating pinaglilingkuran. Ito po ay nakabatay din po sa sabi nga natin ay Ut Unum Sint, na kung saan ay nagsasabing ang lahat ay maging isa.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Cortez.

Ibinahagi rin ng Pari na lumawak na ang mga dioceses at archdioceses na nagsusulong ng ecumenism, mula sa humigit-kumulang 10 porsiyento noong nagsisimula ang inisyatiba hanggang 40 porsiyento na sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Fr. Cortez, nakatuon ang ecumenical engagement ng kumisyon ng CBCP sa pakikipag-ugnayan sa mga matatagal ng pamayanang Kristiyano na mayroong malaking kaugnayan sa mula pa nung una sa mga Katoliko kabilang ang Iglesia Filipina Independiente, United Methodist Church at United Church of Christ in the Philippines.

Binigyang-diin ng Pari na hindi layunin ng ecumenism na burahin ang pagkakaiba ng mga denominasyon, kundi kilalanin ang mga nagbubuklod sa mga Kristiyano, lalo na ang pananampalataya sa iisang Diyos.

“Ninanais at hinahangad ng Ecumenical Affairs ng CBCP, upang ang lahat ay pag-isahin, ang lahat ay pagbuklurin bilang iisang sambayanan ng Diyos kahit na mayroong pagkakabaha-bahagi man sa iba’t ibang larangan ng pananali, pananampalataya, o pagkilala sa Diyos, pero pinagbubuklod at pinag-iisa ito ng pag-ibig at pagmamahal ng iisang Diyos na mayroon tayo.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Pagbabahagi ng Pari, maiuugnay rin ito sa synodality, kung saan hindi lamang mga kleriko kundi maging ang mga layko at iba pang pamayanang Kristiyano ay inaanyayahang makibahagi sa paglalakbay tungo sa pagkakaisa.

“Hindi kalaban ng isa’t isa ang isa’t isa. Kundi, mayroong pinagbubuklod at pinag-iisa ang lahat.” Ayon pa kay Fr. Cortez.
Gaganapin ang Mass at Oathtaking ng National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs ng CBCP sa Agosto 24, 2026, ganap na alas-3 ng hapon, sa Blessed Sacrament Chapel ng Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 15,474 total reads

 15,474 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 100,879 total reads

 100,879 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 164,722 total reads

 164,722 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 253,032 total reads

 253,032 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 335,344 total reads

 335,344 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top