Mananampalataya, inaanyayahan sa Marian Conference 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,854 total reads

Inaanyayahan ng Marians of the Immaculate Conception ang mga mananampalataya sa isasagawang Marian Conference: “Lead All Souls to Heaven” ngayong August 15, 2026, sa Most Holy Rosary Chapel sa SM North EDSA, Quezon City.

Ayon sa grupo, ang layunin ng pagtitipon ay higit pang palalimin ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at maakay ang mga mananampalataya tungo kay Hesus.

Isasagawa ang kumperensya mula ala-una hanggang alas-singko ng hapon, na susundan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo sa alas-5:30 ng hapon at anticipated Mass sa alas-6:00 ng gabi

Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Mahal na Birheng Maria, na ginugunita tuwing August 15.

Tampok sa pagtitipon ang mga pagtalakay hinggil sa bokasyon, pagpapagaling, Marian consecration, pamilya, at pamamagitan ng Mahal na Birhen sa buhay ng mga mananampalataya.

Pangunahing tagapagsalita si Fr. James Cervantes, MIC, direktor ng Association of Marian Helpers, na magbibigay ng mensahe hinggil sa Mahal na Birhen bilang dakilang tagapamagitan at kung paano niya inaakay ang mga mananampalataya patungo sa langit.

Kabilang din sa mga tagapagsalita si Fr. Lloyd Pagulayan, na magbabahagi kung paano ipinakita ni Maria ang daan tungo sa kanyang bokasyon; si Valerie Escalona, tungkol sa Marian consecration at redemptive suffering; at Dr. Jeff Lipana, tungkol sa kanyang near-death experience at mga testimonya ng espirituwal at pisikal na pagpapagaling sa pamamagitan ni Maria; at Dr. Meggie Samson, na tatalakay sa mga himala at kasaysayan ng Our Lady of Guadalupe.

Tatalakayin naman ni Dr. Patricia Sison ang papel ng Our Lady of Guadalupe sa pamilya at ang dahilan ng kanyang pagdalaw sa Pilipinas.

Binigyang-diin sa programa ang layuning tulungan ang mga kalahok na higit na maunawaan ang papel ng Mahal na Birhen bilang ina, tagapamagitan at gabay sa paglalakbay ng mga mananampalataya tungo sa Diyos.

Magsisimula ang registration sa alas-10:30 ng umaga, kung saan may P200 na registration fee, subalit bukas din ito sa mga walk-in participants.

Ang Marian Conference ay bukas sa mga deboto, pamilya, kabataan, at sinumang nais makiisa sa isang araw ng pagninilay, panalangin, at pag-aaral tungkol sa debosyon kay Maria.

Para sa pagpaparehistro, maaaring gamitin ang Google Registration Form sa tinyurl.com/marianconferenceph2026 o magbayad sa pamamagitan ng GCash 09985461973 (JA…S C.) at isumite ang proof of payment sa organizers sa pamamagitan ng Viber sa numerong 09052939290.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,368 total reads

 44,368 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 42,206 total reads

 42,206 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,573 total reads

 76,573 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,398 total reads

 178,398 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,955 total reads

 218,955 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,827 total reads

 237,827 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top