National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs, bubuuin ng CBCP-ECEA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,865 total reads

Bubuo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Ecumenical Affairs ng National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs bilang bahagi ng pagsusulong ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyanong pamayanan sa bansa.

Sa panayam sa program Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Francis Protacio S. Cortez III ng Diocese of Malolos at CBCP Episcopal Commission on Ecumenical Affairs – National Coordinator for Liturgy, na bubuuin ang national coordinating council ng 20 miyembro na itatalaga sa Agosto 24, 2026.

Kabilang dito ang mga coordinator para sa formation, liturgy, at pakikipag-ugnayan sa mga diyosesis at arkidiyosesis na may kani-kanilang tanggapan o komisyon para sa ecumenical affairs.

Ipinaliwanag ni Fr. Cortez na ang hakbang ay ganap na pagsasabuhay sa diwa ng Second Vatican Council at sa panawagan ng Simbahan para sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

“Ito ay pagsasabuhay natin sa Konsilyo Vaticano II na kung saan ay ‘yung aggiornamento na ating tinatawag na kung saan ay talagang ito ‘yung pagbubukas ng pinto at ng mga bintana ng simbahan para nang sa ganoon ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga lider Kristiyano at ang pamayanan ng Kristiyano na ating pinaglilingkuran. Ito po ay nakabatay din po sa sabi nga natin ay Ut Unum Sint, na kung saan ay nagsasabing ang lahat ay maging isa.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Cortez.

Ibinahagi rin ng Pari na lumawak na ang mga dioceses at archdioceses na nagsusulong ng ecumenism, mula sa humigit-kumulang 10 porsiyento noong nagsisimula ang inisyatiba hanggang 40 porsiyento na sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Fr. Cortez, nakatuon ang ecumenical engagement ng kumisyon ng CBCP sa pakikipag-ugnayan sa mga matatagal ng pamayanang Kristiyano na mayroong malaking kaugnayan sa mula pa nung una sa mga Katoliko kabilang ang Iglesia Filipina Independiente, United Methodist Church at United Church of Christ in the Philippines.

Binigyang-diin ng Pari na hindi layunin ng ecumenism na burahin ang pagkakaiba ng mga denominasyon, kundi kilalanin ang mga nagbubuklod sa mga Kristiyano, lalo na ang pananampalataya sa iisang Diyos.

“Ninanais at hinahangad ng Ecumenical Affairs ng CBCP, upang ang lahat ay pag-isahin, ang lahat ay pagbuklurin bilang iisang sambayanan ng Diyos kahit na mayroong pagkakabaha-bahagi man sa iba’t ibang larangan ng pananali, pananampalataya, o pagkilala sa Diyos, pero pinagbubuklod at pinag-iisa ito ng pag-ibig at pagmamahal ng iisang Diyos na mayroon tayo.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Pagbabahagi ng Pari, maiuugnay rin ito sa synodality, kung saan hindi lamang mga kleriko kundi maging ang mga layko at iba pang pamayanang Kristiyano ay inaanyayahang makibahagi sa paglalakbay tungo sa pagkakaisa.

“Hindi kalaban ng isa’t isa ang isa’t isa. Kundi, mayroong pinagbubuklod at pinag-iisa ang lahat.” Ayon pa kay Fr. Cortez.
Gaganapin ang Mass at Oathtaking ng National Coordinating Council of Directors for Ecumenical Affairs ng CBCP sa Agosto 24, 2026, ganap na alas-3 ng hapon, sa Blessed Sacrament Chapel ng Manila Cathedral.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,389 total reads

 44,389 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 42,237 total reads

 42,237 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,601 total reads

 76,601 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,426 total reads

 178,426 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,983 total reads

 218,983 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,852 total reads

 237,852 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,394 total reads

 44,394 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top