Caritas Philippines, nakiisa sa mga biktima ng lindol sa Colombia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,549 total reads

Nakikiisa sa panalangin at pakikiramay ang Caritas Philippines sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol na sinalanta ang kanlurang bahagi ng Colombia.

Sa pahayag ng Caritas Philippines, ipinagdarasal nito ang mga Colombia na patuloy na nakararanas ng epekto ng malakas na lindol, upang mabigyan sila ng lakas, kapanatagan, at pag-asa habang nagpapatuloy ang rescue at recovery operations.

Ayon sa mga ulat, malawak ang pinsalang iniwan ng lindol na tumama sa ilang lugar kabilang ang Cali, Pereira, Manizales at iba pang bahagi ng kanlurang Colombia.

Maraming gusali ang gumuho o napinsala, kabilang ang mga tahanan, ospital at iba pang imprastraktura, habang maraming residente ang trapped sa ilalim ng mga guho kung saan idineklara rin ng pamahalaan ng Colombia ang state of emergency upang mapabilis ang pagtugon sa sakuna.

“In this time of uncertainty, Caritas Philippines stand with solidarity and prayer to our brothers and sisters in Colombia who have been affected by 7.4 magnitude earthquake.May our collective prayers bring strength, comfort, and hope to all Colombian families affected,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 250 ang nasawi habang nagpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala at posibleng nakaligtas sa ilalim ng mga gumuhong gusali sa Columbia.

Una naring nagpaabot ng pakikiramay ang pamahalaan ng Pilipinas, habang ayon sa Department of Foreign Affairs na wala pang naitatalang Filipino na nasawi o nasugatan sa lindol sa kanilang pangangalap ng impormasyon ngayon.

Samantala, nagpahayag din ng pagdadalamhati si Pope Leo XIV sa nangyaring sakuna, habang patuloy na nananawagan ang Simbahan sa panalangin at pakikiisa para sa mga biktima at pamilyang naiwan ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 15,489 total reads

 15,489 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 100,894 total reads

 100,894 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 164,737 total reads

 164,737 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 253,046 total reads

 253,046 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 335,358 total reads

 335,358 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top