9-araw na nobena para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho, ilulunsad ng Hallow app

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,169 total reads

Ilulunsad ng Catholic prayer and meditation app na Hallow sa August 18 ang siyam na araw na nobena para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho at nakararanas ng emotional at financial pressures dulot ng unemployment.

Ayon kay Bernz Ordoñez Caasi, Philippines Team Lead ng Hallow, layunin nitong samahan sa paglalakbay ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng mga panalangin.

“We want to accompany people not by promising that a job will come after nine days, but by helping them pray honestly, keep going, and remember that their worth is not determined by a rejection email,” ayon kay Caasi.

Naniniwala si Caasi na higit pa sa career ang paghahanap ng trabaho para sa maraming Pilipino dahil katumbas nito ang ikabubuhay ng kanilang mga pamilya.

“Job searching is not only about a career. For many Filipinos, it means bills, family responsibilities, and the fear of being left behind,” giit ni Caasi.

Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority noong Hunyo ay naitala na 2.59 milyong Pilipino ang walang trabaho.

Dinisenyo ang nobena batay sa mga karaniwang karanasan ng mga naghahanap ng trabaho, mula sa paulit-ulit na pagpapadala ng résumé na walang tugon, pagka-ghost matapos ang interview, pagkukumpara sa mga kaibigang may trabaho na, hanggang sa pag-aalala sa bayarin at pamilya at pagdududa sa sariling halaga matapos ang sunod-sunod na rejection.

Sa bawat araw ng nobena, bibigyang-tuon ang isang partikular na hamon at iuugnay ito sa Banal na Kasulatan at sa panalangin. Tatalakayin dito ang paghihintay, rejection, comparison, pinansyal na problema, takot, dignidad, pagtitiyaga, at pag-asa.

Pangungunahan ang panalangin ng beteranong aktor na si Nonie Buencamino, kasama si Fr. Franz Dizon, na kilala sa kaniyang Pagninilay Ngayon daily reflections, isa sa mga prayer content na pinakikinggan ng mga Filipino user’s ng Hallow.

Bilang ama at breadwinner, ibabahagi ni Buencamino ang mga pagninilay tungkol sa responsibilidad na kumita para sa mga taong minamahal, habang gagabayan naman ni Fr. Dizon ang mga job seeker sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, panalangin at pagharap sa kawalang katiyakan habang naghihintay ng trabaho.

Kasama rin sa nobena ang panalangin sa pamamagitan ni St. Josemaría Escrivá, na kilala sa pagbibigay-diin na ang ordinaryong propesyonal na trabaho ay maaaring maging daan tungo sa kabanalan at sa paglilingkod sa kapwa.

Ayon kay Caasi, naging inspirasyon din sa proyekto ang personal niyang karanasan nang gumamit siya ng siyam na araw na nobena habang naghahanap ng trabaho—isang karanasang kalaunan ay nagdala sa kaniya sa Hallow.

Nilinaw din nitong hindi garantiya ng pagkakaroon ng trabaho ang nobena at hindi nito pinapalitan ang praktikal na paghahanap ng trabaho.

Sa halip, hinihikayat nito ang mga job seeker na magpatuloy sa paghahanpa, humingi ng suporta sa iba, gumawa ng maingat na desisyon at gawin ang susunod na konkretong hakbang.

Libre ang Job Seeker’s Novena para sa lahat ng Hallow users, kabilang ang mga hindi bayad na subscription.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,384 total reads

 44,384 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 42,229 total reads

 42,229 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,594 total reads

 76,594 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,419 total reads

 178,419 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,976 total reads

 218,976 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,845 total reads

 237,845 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top