Pagbaba ng self-rated poverty, hindi malaking pagbabago sa kalagayan ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,547 total reads

Hindi pa maituturing na malaking pagbabago sa kalagayan ng mga Pilipino ang bahagyang pagbaba ng self-rated poverty sa bansa.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Publicus Asia Senior Economic Analyst Eric Yancy Estrabo, na tinatanong sa self-rated poverty survey ang mga Pilipino kung itinuturing nilang sila ay naghihirap o nasa borderline ng kahirapan.

Gayunman, dahil 3 porsiyento ang margin of error ng survey, sinabi ni Estrabo na walang statistically significant na pagbabago sa resulta nito.

“Within the margin of error siya. So statistically, walang nagbago. Kalahati o isa sa dalawang Pilipino pa rin ’yung nagsasabi na nakakaranas sila ng kahirapan.” Bahagi ng pahayag ni Estrabo sa Radyo Veritas.

Ayon sa eksperto, patuloy na nakaaapekto sa kalagayan ng mga pamilya ang mataas na presyo ng mga bilihin at iba pang economic pressures, kabilang ang epekto ng tensiyon sa Middle East sa presyo ng langis.

Samantala, ibinahagi rin ni Estrabo na mas kapansin-pansin ang pagbaba ng food poverty mula 42 porsiyento sa 36 porsiyento na bagama’t lampas sa margin of error ay nananatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong nahihirapang makabili ng pangunahing pangangailangan sa pagkain.

“Mayroong 36% ng mga indibidwal na hindi talaga nakakabili ng pangangailangan, ’yung mga basic necessities talaga sa pagkain.” Dagdag pa ni Estrabo.

Maaari umanong nakatulong ang bahagyang pagbuti ng inflation sa pagbaba ng nasabing bilang, ngunit hindi pa rin sapat ang kasalukuyang kalagayang ito upang sabihing nalutas na ang problema ng kahirapan sa bansa.

Para kay Estrabo, hindi sapat ang mga pansamantalang ayuda upang tugunan ang problema.

Paliwanag ni Estabo, kailangang magkaroon ng mga pangmatagalang polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa epekto ng mga external shock, partikular sa presyo ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin.

“So ‘yun ‘yung mga kailangan tingnan ng pamahalaan din, dahil ‘yung mga ayuda ay isang maliit na solusyon lang sa nangyayari ngayon. Ang kailangan natin ay long-term solutions, kasi ‘yun na rin ang hinahanap ng mga Pilipino din.” Dagdag pa ni Estrabo.

Sa pananaw ng Simbahan, ang usapin ng kahirapan ay hindi lamang tungkol sa pagbaba o pagtaas ng datos sa halip ay dapat na nakatuon sa dignidad ng bawat tao at karapatan ng pamilya sa pagkain, kabuhayan at disenteng pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 21,448 total reads

 21,448 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 106,854 total reads

 106,854 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 170,696 total reads

 170,696 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 258,399 total reads

 258,399 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,366 total reads

 340,366 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top