Alumni at YSLEP scholars, hinimok na isabuhay ang 3-haligi ng servant leadership

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,743 total reads

Hinimok ng lider ng Caritas Manila ang mga alumni scholars at kasalukuyang scholars na gamitin ang kanilang edukasyon, kakayahan at impluwensiya sa paglilingkod sa kapwa at pagtataguyod ng kabutihan ng lipunan.

Sa 11th General Assembly ng Caritas Manila Alumni Scholars Association o CAMASA, binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang kahalagahan ng servant leadership o pamumunong nakatuon sa paglilingkod, sa halip na paggamit ng kapangyarihan at awtoridad para sa pansariling interes.

Ayon kay Father Pascual, nakasandig ang servant leadership sa tatlong mahalagang haligi—personal discipline, moral integrity at social responsibility dahil mahalagang patuloy na paunlarin ng isang lider ang kanyang intellectual, physical at mental o emotional well-being habang isinasaalang-alang ang kapakanan at pag-unlad ng kapwa.

Hinimok din ng pari ang mga kabataan na magkaroon ng national consciousness at national conscience, o malalim na malasakit at pananagutan sa bayan.

Kaugnay nito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng critical thinking—ang kakayahang magtanong, magsaliksik at magsuri ng impormasyon at propaganda bago maniwala o gumawa ng desisyon.

“Kasi palaging remember, ‘pag tayo leader, ‘pag sinabing leader, meron kang follower. ‘Pag leader ka, meron kang influence, meron kang authority, meron kang power. Kaya ang problema sa leadership, nakakalasing ang leadership. Kaya mahalaga ang authentic power ay ginagamit para maglingkod. Kaya dapat huwag mong kalimutan kung bakit ka may kapangyarihan, kung bakit ka leader, para mag-serve. ‘Yan ang purpose ng leadership: to serve. At the more you serve, the more you are great before God,” ayon sa mensahe ni Father Pascual para sa 11th General Assembly ng CAMASA.

Samantala, hinikayat ni Father Benito Tuazon, Director ng Bahay Pari ng Arkidiyosesis ng Maynila at dating Caritas Manila scholar, ang mga alumni at Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP scholars na gamitin ang kanilang edukasyon hindi lamang para sa sariling tagumpay kundi para sa kabutihan ng kapwa at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa 11th General Assembly, ibinahagi ni Father Tuazon ang kanyang karanasan bilang dating scholar ng Caritas Manila.

Ibinahagi ng pari na muntik nang mawala ang kanyang scholarship matapos makatanggap ng mababang grado dahil sa hindi pagkakaunawaan sa isang guro.

Nakiusap noon ang kanyang ina sa scholarship coordinator upang mabigyan siya ng pagkakataong magpatuloy sa pag-aaral.

Ayon kay Father Tuazon, naging mahalagang aral sa kanya ang sakripisyo at pagpapakumbaba ng kanyang ina, na nag-udyok sa kanyang magsikap at tuparin ang pangakong hindi na muling bibiguin ang kanyang pamilya.

Kalaunan, nakapagtapos si Father Tuazon ng kolehiyo at naging computer programmer bago pumasok sa pagpapari, kaya ngayon at patuloy niyang binibigyang diin na “education is an equalizer,” ngunit hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng kaalaman.

Sinabi ng Pari na kailangang gawing karunungan ang edukasyon at gamitin ito sa mabuti at alinsunod sa pananampalataya at kalooban ng Diyos.

Tiniyak naman ni Father Pascual na patuloy na palalakasin ng Caritas Manila ang mga programa ng CAMASA at YSLEP upang higit na matulungan ang mga scholars sa kanilang personal at leadership development.

“Having an education is an equalizer. When you’re educated, you can go anywhere, you can be proud, and you can hold your head up high and stand with others because you have attained a certain kind of knowledge. But as we know, education is not enough,” ayon pa sa pagninilay ni Fr.Tuazon sa CAMASA 11th General Assembly.

Hinimok ni Fr.Pascual at Fr.Tuazon ang mga scholar at alumni na isabuhay ang self-discipline, moral integrity at social responsibility, at gamitin ang kanilang natutunan hindi lamang para sa pansariling pag-unlad kundi bilang mga lingkod na makatutulong sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan na nakasentro sa Diyos ang paglilingkod.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,191 total reads

 44,191 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,918 total reads

 41,918 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,305 total reads

 76,305 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,130 total reads

 178,130 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,687 total reads

 218,687 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,575 total reads

 237,575 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top