Pagbaba ng self-rated poverty, hindi malaking pagbabago sa kalagayan ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,393 total reads

Hindi pa maituturing na malaking pagbabago sa kalagayan ng mga Pilipino ang bahagyang pagbaba ng self-rated poverty sa bansa.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Publicus Asia Senior Economic Analyst Eric Yancy Estrabo, na tinatanong sa self-rated poverty survey ang mga Pilipino kung itinuturing nilang sila ay naghihirap o nasa borderline ng kahirapan.

Gayunman, dahil 3 porsiyento ang margin of error ng survey, sinabi ni Estrabo na walang statistically significant na pagbabago sa resulta nito.

“Within the margin of error siya. So statistically, walang nagbago. Kalahati o isa sa dalawang Pilipino pa rin ’yung nagsasabi na nakakaranas sila ng kahirapan.” Bahagi ng pahayag ni Estrabo sa Radyo Veritas.

Ayon sa eksperto, patuloy na nakaaapekto sa kalagayan ng mga pamilya ang mataas na presyo ng mga bilihin at iba pang economic pressures, kabilang ang epekto ng tensiyon sa Middle East sa presyo ng langis.

Samantala, ibinahagi rin ni Estrabo na mas kapansin-pansin ang pagbaba ng food poverty mula 42 porsiyento sa 36 porsiyento na bagama’t lampas sa margin of error ay nananatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong nahihirapang makabili ng pangunahing pangangailangan sa pagkain.

“Mayroong 36% ng mga indibidwal na hindi talaga nakakabili ng pangangailangan, ’yung mga basic necessities talaga sa pagkain.” Dagdag pa ni Estrabo.

Maaari umanong nakatulong ang bahagyang pagbuti ng inflation sa pagbaba ng nasabing bilang, ngunit hindi pa rin sapat ang kasalukuyang kalagayang ito upang sabihing nalutas na ang problema ng kahirapan sa bansa.

Para kay Estrabo, hindi sapat ang mga pansamantalang ayuda upang tugunan ang problema.

Paliwanag ni Estabo, kailangang magkaroon ng mga pangmatagalang polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa epekto ng mga external shock, partikular sa presyo ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin.

“So ‘yun ‘yung mga kailangan tingnan ng pamahalaan din, dahil ‘yung mga ayuda ay isang maliit na solusyon lang sa nangyayari ngayon. Ang kailangan natin ay long-term solutions, kasi ‘yun na rin ang hinahanap ng mga Pilipino din.” Dagdag pa ni Estrabo.

Sa pananaw ng Simbahan, ang usapin ng kahirapan ay hindi lamang tungkol sa pagbaba o pagtaas ng datos sa halip ay dapat na nakatuon sa dignidad ng bawat tao at karapatan ng pamilya sa pagkain, kabuhayan at disenteng pamumuhay.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,194 total reads

 44,194 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,924 total reads

 41,924 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,311 total reads

 76,311 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,136 total reads

 178,136 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,693 total reads

 218,693 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,581 total reads

 237,581 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,195 total reads

 44,195 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top