Ipatupad na ang 85-pisong wage increase sa N-C-R, apela ng FFW sa Korte Suprema

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,894 total reads

Nanindigan ang Federation of Free Workers o FFW na dapat nang maipatupad ang 60-pesos wage hike sa Metro Manila, habang hinihintay ang aksyon ng Korte Suprema kaugnay sa inilabas na Temporary Restratining Order (TRO) at preliminary injunction ng Regional Trial Court (RTC) ng Pasig.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula sa panayam sa Programang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas , kinukundena nila ang desisyon ng RTC Pasig sa pagpigil sa wage increase, dahil sa bisa ng Labor Code, ang mga pagtutol sa wage order ay dapat idulog sa National Wages and Productivity Commission.

““Kaya palagay ko ay wala sa linya at dapat i-oppose ng mga manggagawa itong injunction na ginawa ng ating Regional Trial Court sa Pasig. May pa isa kasama Mama Angelic at Father Noland, may nakapending pa rin ngayon sa kabilang RTC sa Navotas, sa RTC Branch 287, na ganoon din ang issue. Kaya po kami po ay napilitan na pumunta sa Korte Suprema last Tuesday. At mamaya siguro kapag natapos ko ‘yung ating draft ng manifestation ay kakatok ulit kami sa Korte Suprema para i-manifest ‘yung injunction na ginawa ng RTC. Kaya po kahit kumikilos ‘yung mga manggagawa, Father Nolan, kinatok na rin namin ‘yung Korte Suprema para buksan ‘yung kandado ng RTC. Kasi ang argument ng Regional Trial Court ay ito daw po ay magdadala ng maraming unemployment at pagkakalugi ng kumpanya,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Matula sa programang Baranggay Simbayanan.

May nakabinbin ding katulad na usapin sa RTC Branch 287 sa Navotas, kaya hiniling ng labor group sa Korte Suprema ang malinaw at mahigpit na gabay upang hindi mauwi sa sunod-sunod na kaso sa iba’t ibang korte ang usapin sa wage orders.

Iginiit ni Matula na hindi makapagdudulot ng malaking dagok sa negosyo ang unang tranche ng wage increase na dapat ay aabot sa 60-pesos na dagdag sa suweldo na katumbas lamang ng 8.63 porsiyentong dagdag-sahod, habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, pamasahe at gasolina.

“Hindi po babagsak ang langit dahil sa 60 pesos wage increase na about 8.63% lamang ng pagtaas ng sahod ano? Yung 60 pesos ay kung ikukumpara mo sa historical wage increases sa Metro Manila, ay ‘yan po ay 8.63% lamang. Ito 8.63% at kung idagdag mo pa ‘yung 25 sa Enero, that’s about 12.23%. So, very modest na hindi po magkaroon ng economic Armageddon o pagbagsak ng langit dahil lang sa 8.63% na wage hike effective July 25. Kaya sa pag-ngayon nagtataasan ng mga presyo at pamasahe at gasolina kaya kinakailangan talaga na magkaroon ng dagdag-sahod sa Metro Manila,” bahagi pa ng panayam kay Matula sa Baranggay Simbayanan.

Inaasahan na umaabot na sa 1.1 milyong manggagawa sa Metro Manila ang apektado ng pagkaantala sa wage hike.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 44,200 total reads

 44,200 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 41,936 total reads

 41,936 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 76,322 total reads

 76,322 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 178,147 total reads

 178,147 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 218,704 total reads

 218,704 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 237,592 total reads

 237,592 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top